Chapter 40: Practice

1.5K 55 2
                                    

Axelle’s POV:

Matahimik akong naka sunod kay Ivan, dare not speaking. At pansin ko lang na kanina pa kaming naglalakad at umaakyat ng mga hagdanan. Kung sa faculty room ang punta namin bakit parang ang layo naman ng faculty?

“Alam mo ba kung saan ang faculty?” I asked him catching up to his pace.

“Hindi tayo sa faculty pupunta.” sagot niya.

“Eh san?” maiksi kong tanong. He didn’t answer instead binuksan niya yung pinto ng isang vacant room and gestured me to follow him inside. “Anong gagawin natin dito?”

“Stay out of our business Axelle.” sabay hinarap niya ako.

“Huh?”

“A mere human like you should never be involve in our business. Butler mo nga si Grei pero sana wag ka nang maki-alam pa sa demon hunting namin kung ayaw mong mapahamak at it’s better if you just keep your mouth shut.”

“Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko, at di ko naman alam na demon pala ang makakaharap ko.”

“Then stop getting yourself into trouble, hindi sa lahat ng oras pwede kang bantayan ni Grei, dagdag problema ka lang.”

“I don’t need him to freakin’ babysit me 24/7. At hindi ko naman sinabi na puntahan niya ako. Wala naman talaga akong balak na makisali sa gulo ninyo.”

“Good. Stop being too attach to my troop, you’re a distraction.”

TIME SKIP…

Who does he think he is?! Gwapo nga siya pero ang sungit-sungit naman niya! Nakaka-inis lang!

Kasalukuyan akong naka upo ngayon at nakikinig sa boring class ng Research. Lahat ng kasama ko ditong mga estudyante ay di ko kilala. Di ko na rin nakita kanina sina Jessica at maging si Gray Head hanggang sa matapos ang recess kaya naman kasabay ko nalang kumain sina Micah at Drei. Pagkatapos non may kanya-kanya na kaming mundo. Dalawang subject periods na rin ang nakakalipas pero di ko sila nakikitang dumaraan sa mga hallways. Feeling ko nanahimik ang mundo ko ngayon.

*bell rings*

And another class hour has ended. Nagsimula na akong mag-empake ng aking mga gamit bago lumabas ng room. Pagka labas ko may isang tinig na mula sa kalat na speakers sa hallway. Isang Announcement.

Attention to all students who are going to participate in the upcoming Sports Festival, you will be excused from your classes starting this afternoon until the end of the Festival for your trainings, preparations and for the tryouts. Thank You.’

Sports Festival. Yon lang pala.

“Axelle!” napalingon ako dun sa biglang tumawag sa pangalan ko. It’s no other than Imy na tatakbong umalapit sa akin.

“Oh. Bakit?” tanong ko sa kaniya.

“Hinahanap ka nga pala ni Grei, pinapasabi niya na magkita daw kayo sa may gym.” humihingal na sagot niya.

“Bakit daw?”

“Ewan pero may dala siyang mga badminton rackets eh… Pumunta ka nalang malalaman mo rin. Right now, kailangan ko na uling tumakbo dahil may Tryout kami para sa volleyball. See ya! Good luck!” at hayon na nga at nagtatakbo na siya palayo sa akin.

Napaisip ako. Ano nanaman kaya ang kalokohang pinasukan nong lalaking ‘yon. Balak pa niya akong isali. I have classes to attend to. Binale wala ko yung sinabi ni Imy sa akin at pumunta nalang sa may canteen para maglunch.

Pagkarating ko don the whole canteen is crowded with students na kumuukuha na ng kani-kanilang mga orders. Nakipila na rin ako at umorder ng akin sabay naghanap ng vacant seat pero wala na akong makita, lahat okupado na at wala din naman akong makitang ka-close ko. My eyes shifted sa may labas ng canteen kung saan may mga tables din sa ilalim ng mga punong kahoy at ang ilan sa mga students ay andon at nag tatanghalian.

Nakakita ako ng isang vacant spot pero bago pa ako maka lakad may lumapit ulit sa akin. “Hey Axelle!” si Gray Head.

“Oh. Bakit nanaman?” boring kong tanong habang naglalakad palabas ng canteen.

“Hinihintay kita sa may gym pero ang tagal mo, don na sana tayo mag tanghalian sa isa pang canteen na malapit bago mag praktis.”

“Praktis saan?”

“Badminton.”

“Sinali mo ako?! No way! Bahala ka magraktis mag-isa mo.” sabay naupo ako dun sa wooden chair tsaka pinatong yung tray ng pagkain sa round table na naka paikot sa mismong puno.

Naupo siya sa tabi ko at ako naman nagstart nang kumain, gutom na kasi ako eh…”There’s no backing out. Naka lista na don ang pangalan mo. Balita ko kapag umayaw ka daw o di nag tryout may parusa na… taga hatid ng tubig sa mga manlalaro, taga linis ng mga kalat at taga asikaso ng mga sports materials na gagamitin sa mismong araw ng Sports Festival.”

“Sus! Tinatakot mo lang ako.” Pakulo lang niya yan para mapaglaro ako. Ilang saglit pa ay mmay napakinggan akong grupo ng babaeng nag-uusap malapit sa amin.

“Oy, napakinggan mo ba na may parusa daw ang umayaw o nag backout?”

“Oo nga. May isang estudyante na ata yung naparusahan, umayaw kasi siya sa table tennis.”

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko na parang walang narinig. So it means totoo nga ang sinasabi ng GH na ito? Pati ba naman itong school kumakampi na rin sa kaniya.

“Pano ba yan? Hintayin nalang kita mamaya sa gym ha… Praktis tayo.” aaaatttt umalis na nga si GH. *SIGH!* Nakakainis dahil no choice.

TIME SKIP!

“Oh! Mabuti naman at naka rating ka!”

“Shut up! Gray Head! Alam ko namang pakana mo nanaman ito na isali ako ng walang paalam.” gagantihan din kita!

“Kung naka reklamo naman, Ikaw na nga itong tinutulungang magpapawis kasi yang tabs mo lumalaki na. XD”

Uminit bigla ang ulo ko at binato ko sa pagmumukha niya ang nadampot kong shuttlecock, at natamaan siya sa may pisngi. Kukuha pa sana ako ng isa pero pinigilan na niya ako.

“Wag mo namang sirain yan, gagamitin pa natin yan sa praktis noh.” I just rolled my eyes sabay inabutan niya ako ng racket. “Tara na don sa may court may inanyayahan ko sina Ella at Denver na magpraktis din kasabay natin.” sabay naglakad na siya way ahead of me and I followed with a loud sigh. Marami ring ibang estudyante na may sinalihang sport ang dito nag papraktis at tryout. Volleyball, table tennis, long tennis, tae kwon do, basketball at may naga swimming din sa may pool sa kabilang banda ng gym. I can tell kasi kita ko mula sa malalaking glass windows.

Pagkarating namin don nakita ko sina Ella at Denver na naka pwesto na sa may kabilang side ng court. Ella waved at me at ngumiti naman ako. Pumwesto kami sa may opposite side ng court at lumapit sa akin si Gray Head.

“Alam mo naman siguro kung pano maglaro di ba?”

“Inaasar mo ba ako? O gusto lang pagtripan? Syempre naman alam ko noh!”

“Great! Simulan na natin ang practice!”

“Whatever.”

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now