Chapter 90: On the Face of Death 2

1K 46 1
                                    

Third Person's POV:

Big Ben Clock Tower
London

(Same time...)

Kasalukuyang hinihintay nalang nina Mr. Daniel at Father Anthony kasama pa ng tatlong kasapi sa Royal council at limang gate keepers ang pagdating ng Lucēre sa may ibabang palapag ng Clock Tower. Isang uri ng crystal na kayang isara ang mga nabuksang lagusan patungong hell at linisin ang mga demon na nakakalat sa mundong ito. Sa pamamagitan din non, maiibalik sa normal ang pagtakbo ng oras at buhay ng mga mortal. Galing pa mula sa isang tagong templo sa may kabundukan ng Himalayas.

Tatlong Lucēre crystal nalang ang natitira sa kanilang pangangalaga dito sa mundo ng mga tao, lahat ng iyon ay nasa iba't ibang templo nakatago.

"Daniel." pagtawag ni Father Anthony kay Mr. Daniel na nasa kalagitnaan ng kaniyang malalim na pag-iisip. "Anong pinag-iisipan mo?" tanong pa niya sabay naupo katapat ng inuupuan niyang kahoy na bangko.

Mistulang nakagising si Mr. Daniel nang marinig ang boses ng pari na naka-upo na sa kaniyang harapan. Ngumiti siya bago nagsalita. "Kilala mo si Lord Ramis di ba?" tanong niya.

"Bakit? Anong meron sa kaniya?" tanong ni Father Anthony.

Magpapaliwanag pa nga sana si Mr. Daniel pero minabuti nyang isaisip nalang muna. "Ah. Wala man." sagot nalang nya.

"Is it something that he said to you?"

"Probably."

Tumango nalang si Father Anthony sa maiksing sagot ni Mr. Daniel bago pumasok sa silid ang dalawa pang gate keepers mula naman sa Australia.

"They're almost here. We need to get ready." sabi ni Lord Hammerfold. "Hopefully this'll work." bulong pa niya.

Samatala...

Axelle's POV:

"You'll be the one facing death." banta ni Gray Head sabay humakbang ng isa pauna.

Napatawa nalang ng saglit si Samantha. "At pano naman? Ha? Sabihin mo nga?" then she took a step forward. "You're now weak in this world alam kong alam mo rin yon. Kaya kitang talunin ng madalian gamit ang mga spells ko." Ramdam ko na humigpit ulit yung kapit nya sakin. "What are you gonna do now young knight?" she flashed an evil grin.

Nanahimik din si Gray Head na mukhang may iniisip bago nagsalita. "Axelle." mahinang tawag ni Gray Head. "Hold on to me."

Sa tingin ko wala na rin naman akong choice. I hold on to his hand as he turned to face me and flash a reassuring smile bago hinawakan nya rin yung isa ko pang kamay then we teleported. At nung makarating kami sa aming destination medyo mahilo-hilo pa akong parang sumakay ng roller coaster ng limang beses. Muntikan na 'kong mawalan ng balanse, buti nalang ay naka-alalay ako kay Gray Head.

Nasa loob kami ng isang grocery store at nagkalat ang mga paninda sa paligid. At biglang may naalala ako.

"Teka! Pano si Jiena!"

"Ako nang bahala don. Stay here and hide hanggang sa dumating sina Ella para sunduin ka."

Akmang aalis na ulit sana siya nang hawakan ko yung kamay nya. Hindi ko rin alam kung bakit, pero that Samantha girl seemed to be strong and powerful. "Be careful." there I said it! Katulad nga ng sinabi ko hindi naman ako soft-hearted! Nalilito na 'ko ha!

"Yeah. I will." sabay binitawan ko na sya as he flash out of my sight.

So... San naman ako magtatago?

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now