Chapter 67: A Nice Play 2

1.2K 47 0
                                    

Axelle's POV:

*Huffs*

He must be crazy or more than crazy!

Pero habang iniisip 'yon... Napag-isipan ko na pwede ring mangyari iyon sa akin. They are supernatural creatures na may mga powers. Ano naman kaya yung kasinungalingan na ipapalabas niya?

After that talk, pinasamahan niya ako sa sumundo rin sa akin kanina papunta sa ikalawang palapag at dinala sa isang kwarto, then locked me up there. It was a big bed room, pero isang malaking bintana lang ang naka lagay. Naglakad ako papunta don at sinubukan ding buksan yung bintana. It can't be opened. Malabo yung bubog kaya malabo ko ring makita kung ano ang itsura ng paligid sa labas o kung nasaan ako. At least wala na ako dun sa kulungan, pero nag-aalala pa rin ako kina Imy lalo na si Ella. I saw Vira went in her cell nung makaliko kami and the rest di ko na alam. Sana di nanaman siya sinaktan nung babaeng iyon.

I walked over dun sa may malaking closet at nakakita ng mga damit. Na pwede kong ipalit dito sa suot ko. Buti nalang ay nakahanap ako ng navy jeans and some t-shirt. Kaagad akong nagpalit don sa may banyo pagkalabas ko naman ay may isang brown na box na ang naka lagay sa may pintuang pinanggalingan ko kanina.

That's weird? Wala naman yun don bago ako pumasok dito ah. Maybe someone put it there.

Hesitating kung kukunin ko ba iyon o hindi? This may be a trap, pero curious ako kung ano ang laman nung box kaya mas nalamangan nanaman ang curiosity ko. I opened the box at may nakitang isang silver bracelet. Simple lang ang design nya na may maliit na red diamond sa gitna, pero maganda. Hinawakan ko yung bracelet at pinagmasdan pa ng malapitan.

"Who would leave this?" pabulong na tanong ko.

Just then bigla nalang naglaho yung bracelet at kumapit sa wrist ko! What the hell! I can't remove it!

TIME SKIP...

Third Person's POV:

Sa tahimik na gubat palibot ng abandonadong mansion pumosisyon ang dalawang troop ng knights na hinati din sa apat na grupo. Matapos ang ilang oras ng paghihintay hanggang sa sumapit muli ang hapon at utay-utay na magdilim ang kalangitan, they decided to carry out their plan on rescuing Ella and the others.

Mula sa pagtatago sa mga matataas na talahib at malalaking sanga sa may taas ng puno, Ericha, from the Emerald Ox troop sets out the signal na nagpalit na ng gwardya sa may rusty steel gate papasok ng mansion. Isa-isa silang naglabasan sa kanilang hiding spot. Jessica along with Lady Vanessa and Ivan teleported inside the mansion, ganon din ang ginawa ni Grei kasama si Denver, yung mga natira ay stand by muna habang naka scatter sa labas.

Pagkapasok sa loob ng malaking bahay ay sinalubong sila ng katahimikan na para bang walang naninirahan sa lugar na iyon. Pero they know what and who they are dealing with at kailangan nilang mag-ingat, those demons na naririto sa mansion ay hindi ordinary demons na kanilang laging nakakasagupa sa kanilang hunt.

"We'll go look for Azcar." paunang bulong ni Ivan.

"Jessica and I will handle and look for the black boxes." sabi naman ni Tory.

"Grei and I will go rescue the others. Grei–" magsasalita pa sana si Ivan nang maramdaman niyang umalis na bigla si Grei leaving him behind. Pagkatapos non ay naghiwa-hiwalay na sila.

Isang demon na nagbabantay sa may pinto ng undergound passageway ang unang nakasagupa ni Grei. He sealed the demon in just a blink of an eye bago nakahabol sa kaniyang pace si Denver.

"Lets go." maiksi niyang sabi bago binuksan yung pinto at pumasok. Di na umimik si Denver at sumunod nalang. He knew na Grei is waiting for this rescue at pari siya ay matagal na rin itong hinihintay. He hasn't seen Ella for so long at kapag nakita niyang sinaktan ito nina Azcar, no doubt, na he will find him at gaganti. Pero kabilin-bilinan ni Ivan din kay Grei na never let Denver go out of control when that scenario happens.

Mahabang hagdan pababa ang sumalubong sa kanila mula sa madilim na tunnel. Maslumalakas ang hinala ni Grei at Denver na andito nakakulong ang kanilang mga hinahanap.

Samantala ay nagteleport sa may third floor sina Jessica at Tory para hanapin ang sinasabing kwarto na pinaglalagyan ng mga demons ng kanilang nakolektang souls. They need to destroy it quietly and set the souls free para makabalik sa kani-kanilang katawan.

A human body without their soul ay hindi mabubuhay ng matagal, hence they will suffer more o di kaya ay gamitin ng isang evil spirit ang kanilang katawan to do evil things, and they can't let that happen.

Sa kanilang matahimik na paglalakad ay narating nila ang isang malaking double door na may makaluman disenyong naka ukit. Walang nagbabantay kahit isang demon, at wala ring nagpapatrolya sa paligid. They opened the door at nakita ang nasa almost 50 black boxes na ang kanilang kutob ay may laman ng stolen human souls. Tory was about to make her move para pakawalan yung mga souls pero pinigilan siya ni Jess.

"Don't you think na stepping inside and finding this room unguarded ay sinasadya ni Azcar?" tanong niya sa kaibigan. Medyo napaisip si Tory sa tanong ni Jess.

Then realization hit them. "You're right. Nakapagtataka nga kung walang bantay ang room na ito na may lamang mga collection ng human souls. Do you think he knew na darating tayo?"

"I think you're right. Hindi nila itatago sa ganito kadaling paraan ang mga nakolekta nilang souls. This might be just a trap or an illusion." sabi ni Tory.

Pagkabanggit niya nung last word may unknown force na tumulak sa kanila papasok ng room sabay mahigpit na nagsara at naglaho yung pinto sa may likuran nila na kanilang kinagulat.

"Let's play race to ESCAPE. Shall we?"

Isang boses ng lalaki na nage-echo ang kanilang narinig mula sa hangin.


Sa kabilang dako naman ng mansion napadpad sina Ivan at Lady Vanessa. Pati sila ay nagtataka na rin sa katahimikang bumabalot sa mansion. Not the type of encounter na kanilang inaasahan.

"Baka tambayan lang ito ng mga weak demons." sabi ni Lady Vanessa habang nagmamasid-masid sa paligid.

"O baka ay nakatunog na sila na darating tayo kaya tumakas. But still... Andito man sila o wala, this could either be a trap or just a distraction. Kailangan pa rin nating maging alisto."

Narating nila ang likod ng kusina at pagkapasok ay bigla ring nagsara ang mga pinto at bintana na kanilang kina-alarma.

"It's a trap." conclude ni Vanessa getting her blades out para sa kahit anong incoming attacks.

"Let's play race to ESCAPE. Shall we?"

Boses na nag echo din sa pumapalibot na hangin sa kanila ang kanilang napakinggan.

"Looks like the demon wants to play a game." sabi ni Ivan.

"Ayokong pinaglalaruan, kaya patay sa akin 'yan demon na 'yan kapag nahuli ko." dugsong naman ni Vanessa.

Meanwhile...

"Grei. May tatlo pang passageway na kasunod. How do you know which way to go?" tanong ni Denver sa kaniyang kasama.

"Just follow me." maiksing sagot ni Grei sabay pumasok sa gitnang tunnel. Ang di lang nila namalayan pagkapasok nila ay naghilom parang sugat yung lagusan na kanilang nilagpasan.

Now...

The Game Begins...

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now