Chapter 37: Demon in Hiding (Part 1)

1.5K 57 1
                                    

Axelle’s POV:

Later that night nanonood nalang kami ni Ella sa kaniyang laptop samantalang sina Jessica at si Tory ay umalis lang. They always leave at night nang di ko alam kung saan pumupunta pag minsan kung gising pa ako sa gabi ay nararamdaman ko silang bumabalik sa kwarto namin, pati itong si Ella na lagi kong kasama ay di rin nagsasalita kung saan sila pumupunta.

“Ella labas lang ako saglit.” paalam ko. May plano ako and I need to start it now.

“Pasaan ka?” tanong niya na parang na ko-curious.

“Ah… magpapahangin lang.” palusot kong sabi. Kanina ko pang suot yung hidden body camera at mic sa damit ko ang kailangan ko lang gawin ay ang i-activate. Handa na rin sa kanikanilang taguan ang mga weapon ko, just in case.

“Samahan na kita.”

“Wag na. Saglit lang naman ako don eh…”

“Hindi, sasamahan kita, nakakangalay na nga rin ang naka upo lang dito.”

“Kung ganon wait lang ha… Magbabanyo lang ako.” sabay naglakad na ako papunta sa may banyo dala yung CP ko. I’m gonna need Imy for this. Pagkapasok ko sa loob tineks ko agad siya.

Axelle: [Imy, can you distract Ella for me?]

Imy: [Sure, ilabas mo siya.]

Pagkatapos non lumabas na ako ng banyo at inaya na si Ella palabas ng room. Ilang saglit pa lumabas din si Imy sa room nya.

“Ella! Salamat naman at gIsing ka pa. May ipapatulong sana ako sa iyo eh.” sabi ni Imy.

“Ano yun?” tanong ni Ella.

“May assignment kasi kami sa Math at nahihirapan ako dun sa activity, pwede mo ba akong tulungan?” tanong ni Imy. Ayos ah… di ko akalaing magaling din pala siya magpalusot.

“Ah…”

“Sige na Ella, tulungan mo muna siya. Kaya ko naman sarili ko. Magpapahangin lang ako.”

At sa huli wala nang nagawa si Ella kundi ang sumunod kay Imy papasok ng kwarto niya. I continued walking towards the Dorm library. I’m quite aware na may mga CCTVs sa paligid kaya naman kailangan kong maging maingat para di mahuli. Sa oras ngayon (8:00) hindi pa magsasara ang library hangga’t hindi pa 9:30 kaya may isang oras at kalahati pa ako. Maybe may chance na magkita kami nung mystery killer, at kapag nangyari yon ako mismo ang huhuli sa kaniya.

Madilim na ang mga corridors na nadaraanan ko at konting ilaw lang ang naka bukas ngayong gabi. Baka alam ng iba na konti nalang ang lumalabas ng mga kwarto nila ngayong gabi. Sana sapat lang yung oras ko at ni Imy pang distract kay Ella. Teka… Spirit Knights din sya di ba? Hindi kaya may konti din siyang hinala sa ginagawa ko? Sana wala.

Nakarating ako sa may tapat ng double door sa entrance ng library. Huminga ako ng malalim bago madahang itinulak yung pinto at puamsok ng walang takot. I start to raom around the bookshelves at mukhang ako nalang ang estudyante na naririto ngayon, maliban sa librarian na nagbabasa ng libro sa table nya.

Meanwhile…

Grei’s POV:

Naglalakad-lakad ako sa may labas ng dormitories malapit sa center fountain. Naka night duty na rin ako dahil don wala nang pwedeng makakita sa akin na ordinaryong tao. Halos lahat na ng mga estudyante ay nasa kani-kanilang mga kwrto at nag papahinga.

“Kamusta sa banda ron?” tanong nung isang gwardya na nagpapatrolya don sa dalawang kaniyang nakasalubong.

“Wala mang kahinahinala.” sagot nung isa. Naisipan kong makinig muna ng saglit sa kanilang pag-uusap.

“Sa tingin nyo bakit kaya ginagawa nung annonymous sender ang pananakit sa mga estudyante dito sa GHA? Di kaya balak niyang sirain ang magandang imahe ng school na ito?” tanong pa nung isa.

“Alam nyo siguro dapat na bumalik na tayo sa trabaho natin kesa mapatagal sa kwentuhan dito.” saway nung isa sabay naglakad palayo.

“Mag-ingat ka mapanganib daw yong tao na iyon!” medyo pasigaw na sabi nung isa don sa umalis. “Nakakapagtaka nga eh di ba? Sa dami ng CCTV dito ay nakakalusot pa rin.” sabay bulong niya sa katabi niya at naglakad na rin paalis.

Akala ko marami silang pagkukwentuhan pero konti lang pala. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Grei? Oras ng trabaho at naka upo ka lang.” Aaattt… nahuli nanaman ako.

“Naghihintay ng himala Ivan di ba halata?” sabay nagteleport nalang ako paalis sa tabi niya.

After 1 hour…

Axelle’s POV:

So far… inaantok na ako sa paghihintay dito sa library, konti nalang siguro ay makakatulog na ako pero wala pa rin yung hinihintay ko. Baka hindi sya aatake ngayon. I spent an hour reading history and science books dito sa may isang corner ng library, ang creepy kasi kung maka tingin yung librarian.

“The atom of a molecule bla bla bla bla….” ang boring… siguradong aatakehin ako ng antok sa paghihintay dito hindi yung killer. Tumingin ako sa may wall clock na nasa dulo ng mga shelves. 9:10… twenty minutes more pa.

*wooossshhh…*

Ilang saglit pa ay nagtaasan yung mga balahibo ko sa braso sa pag-ihip ng hangin. Saan naman kaya manggagaling ‘yon? Eh wala namang malapit na bukas na bintana dito sa kinaroroonan ko? I shut the book close at lumingon ako sa paligid ko. Tahimik… pero parang may kakaiba sa katahimikan.

*phone ring.*

Baka si Imy yung nag text. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at tiningnan na meron akong isang message… pero di galing kay Imy. I take a lot of courage bago binuksan.

[UNKNOWN #: Are you alone?]

Someone have been watching me a along…

*phone ring.*

[UNKNOWN #: Wanna play?]

Tumayo ako sa pwesto kong mula sa pagkaka-upo at nagdesisyon na tawagan yung number habang pinapakinggan ko ng maayos ang aking paligid. Ilang saglit pa ay may napakinggan akong phone na nagriring malapit sa akin. Sinundan ko iyon sabay nilabas ang aking dalang dagger.

Madilim sa tinatahak ko kasi malapit ito sa dulo ng library, pero hindi ko na papalagpasin ang chance na ito. Nagpatuloy sa pagri-ring yung phone at nakita ko ang ilaw ng screen nito sa di kalayuan. Naka patong ito sa isang makapal na libro.

“Show yourself. Alam ko na nasa malapit ka lang.” sabi ko. Walang sumasagot… Nilapitan ko yung cellphone na umiilaw at pinatay ang aking pagtawag bago ko ito damputin kasama nung libro sabay pinatong ko iyon sa ibabaw ng iba pang libro sa shelf.

*phone ring.*

Nilingon ko yung cellphone na pinatong ko sa shelf kasama nung libro bago binuksan yung text.

[UNKNOWN #: Find me if you can.]

So the killer wants to play hide and seek? Ano sya bata lang? “Hindi ako nandito para makipaglaro sayo. Ang mabuti pa ay magpakita ka na o baka duwag ka lang?”

*phone ring.*

[UNKNOWN #: OK count to 10…]

A long pause and silence enveloped me. Ilang saglit pa ay may malakas na hangin nanaman ang umihip mula sa likuran ko. Hinigpitan ko ang kapit ko dun sa dagger ko at ibinulsa yung phone ko. I turn around to find some woman standing behind me playing an evil smirk in her lips. My eyes shifted to her eyes, bloody red color. Nanatili akong di gumgalaw sa pwesto ko habang pinapanood yung babae. Ilang minuto pa ay may nilabas siyang isang maliit na kahon na kulay itim.

“Ikaw ba yung killer?” tanong ko. Hindi sya sumasagot. “Uulitin ko ba o bingi ka lang talaga?”

Nagsimula siyang maglakad papalapit sa akin. I remained still. “Matapang ka pala?”

“OO bakit? Takot ka?”

She stops.”Bakit naman ako matatakot sa isang katulad mo? Kaya kitang tapusin sa kinatatayuan mo, pero ang isang katulad mo ay may taglay na mahalagang ingredient na kailangan namin.” sabay inaro nya sa akin yong kahong hawak niya.

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now