Chapters Finale

1.4K 46 8
                                    

Third Person's POV:

Hindi na muling lumabas at nagpapasok sa kaniyang kwarto si Axelle magmula nang sya ay maka-uwi. Maghapon at magdamag na siyang nagmukmok sa ilalim ng kaniyang kumot habang 'di mapigil ang pagtulo ng luha nya. Ngayon ay malapit na namang maghapon ulit at di pa sya lumalabas.

Bakit ngayon pa?

Bakit sya pa?

Nobody STAYS...

Paalala niya sa sarili nya. Masakit man tanggapin, pero 'yon ang reyalidad na mukhang nakapako sa kaniya. Matapos ang pagkawala ng lolo nya, sya rin namang pag-alis panghabambuhay ng mga kaibigan nya. Leaving her, alone, again.

"Axelle. Can we talk?" tanong ng step dad nya mula sa labas ng pinto.

"Go away!" sigaw nya pabalik.

"Kahapon ka nang nagkukulong dyan sa kwarto mo, hindi ka pa nga kumakain ng ayos. Ano bang problema Axelle?" mahinahong sabi ng step dad nya.

"I said, leave me alone!"

Napahinga ng malalim ang kaniyang step dad at napa-atras mula sa may pinto. Lumapit naman sa kaniya si Grei na kanina pang nasa tabi lang at nalulungkot din sa mga nangyayari, pero kahit sya ay walang kakayahang manipulahin ang nararamdaman ng isang tao, ang tangi lang nyang magagawa ay bigyan ng isa pang pagkakataon para makapag-usap silang dalawa.

"Ah... Sir. Pwede ko ba syang maka-usap?" tanong niya.

"Haaayyy... Mabuti pa nga. Hindi sakin nakikinig 'yang anak ko na 'yan eh. Salamat ha." nagsimulang maglakad ang step dad ni Axelle palayo na malungkot.

*knocks.*

"Go away!" sigaw ni Axelle mula sa loob.

"Pwedeng pumasok?" tanong niya. Hindi umimik si Axelle kaya naman napahinga nalang si Grei ng malalim bago nagteleport papasok sa loob ng kwarto.

He saw her hiding underneath the covers of her bed like a child having a horrible nightmare. Naupo sya sa may gilid ng kama ni Axelle. He looked at her with sadness. Ayaw nyang nakikita syang malungkot at umiiyak dahil nasaktan. Alam niyang hindi dapat ganito ang hatol ng tadhana sa kaniya na para bang inaapi ang isang batang walang laban.

He can hear her cries, kahit na mukang pinipigilan nya ito. Dahil don di rin nya maiwasang magalit sa sarili nya, dahil di magtatagal sya naman ang makapananakit sa damdamin nya. At kahit na wala din syang gusto sa mga nangyayari at lalo na sa mangyayari pa ay wala siyang magagawa.

Queros et vie mor.

Written by Destiny.

Ang tadhana ang siyang kusang nagplano ng lahat. Bakit ba kailangan pa nilang maging nasa magkaibang mundo? Parang may hindi makitang pader ang pilit na naghihiwalay sa kanila. Hindi man nya gustong mapalapit, pero kusa na mismong ang puso nya ang lumapit at magbukas dahilan nang mabago sya nito.

"Ikaw? Aalis ka rin di ba? Sabihin mo na nang masmaaga para makapaghanda naman ako." ramdam ni Axelle ang presensya nya malapit sa kaniya.

"Axelle... Tandaan mo na kahit ano man ang mangyari hindi ka nag-iisa sa buhay. Wag kang mawalan ng pag-asang lumaban katulad ng palagian mong ibinubulong sa sarili mo na matapang ka at matatag. Lahat ng ito ay mga pagsubok lang na dapat mong malagpasan. Andito pa rin sila sa tabi mo at ala-ala mo, hindi mo lang madama kasi naka focus ka sa pagkawala ng mga bagay na di naman totoo. Merong mga pangyayari na kelanman ay di kayang burahin, baguhin at diktahan kahit na ni tadhana, iyon ang panghawakan mo. Ang mga masasayang ala-ala na laging buhay dyan sa loob-looban mo at di patay ang syang magbibigay kulay sa mundo mo dahilan nang ngumiti ka ulit. Ang kawalan at kabiguan ay parte lang ng gulong ng buhay Axelle. Andito ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, mga taong nagmamahal sayo at... AKO. Kaya tahan na."

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon