Barko

337 5 0
                                    

Actually di ko alam kung anong title gagamitin ko dito. Since sa barko nangyari ito barko na lang ang title 😂

Last July 31, 2018. Tandang tanda ko ung date dahil birthday ng husband ko ito. Inabot na kmi ng birthday nya sa daan . ( Napaka gala di ba?)

We're from Manila, and byahe kami papunta ng Samar. Sa province nila, since namatay kasi ung lola nya medyo malayong relatives na din naman. At the same time is para mag bakasyon.

Nasa Matnog port kami at naghihintay na sa loob ng barko. I forgot the name ng barko eh. First time ko makasakay sa totoong barko kaya alam mo na parang tanga lang ikot ikot ng tingin.

Na amaze ako masyado dun sa parking lot sa ilalim ng barko😂 ang galing kasi nang pag park ng mga sasakyan tapos ung canteen na pagka mahal mahal ng tinda hahaha.

Well back to the story na tayo.

Past 2am na bumyahe ung barko. Hindi ako sanay mag sleep or take a nap dahil 1 hour or more lang naman ung byahe. Hindi din makapag sight seeing dahil gabi sobrang dilim na wala ka naman makikita sa karagatan.

Dahil matigas ang ulo ko. Bumababa ako para mag yosi. Dun ko naisip sa may parking lot mag yosi kahit bawal.
Hindi na ako nagpasama sa husband ko dahil ung mga gamit namin walang magbabantay.

While looking for the best spot na makapag yosi biglang nahagip ng tingin q yung backseat ng car na nadaanan ko may tao, matanda nakaupo at nakatingin lang sa akin.
Lumapit ako baka kako hindi sya makalabas. Or baka may hinihintay.  So kinatok ko ung mirror pero nakatingin lang si lola sa akin, then tumitingin pababa. So ginawa ko i try na buksan ung door pero naka lock. Then tingin lang ulit c lola with a teary eye so medyo kinabahan na ako pero di nagsasalita c lola sbi q babalik aq ipa page ko n lang. Bilis aq umakyat ulit. Pero nasa gitna pa lang ako ng hagdan ng maalala ko na hindi q pala nakuha ung plate number, pag balik q para tignan yung plate number wala na si lola dun. Napaka bilis nya mawala and sinisilip ko ulit ung bintana ng car pero wala na ako makita heavily tinted ung mirror ng car. Pero bakit kanina kita ko c lola? I try to check kung tama ba ung car na tinitignan ko. Hindi ako pwede magkamali daw un lang ang car na napagitnaan ng dalawang truck.

Di ko na tinuloy yung pag yoyosi ko bumalik na din ako sa deck.  Kinuwento ko sa husband ko. Sabi lang nya, baka sinusubok na daw ako makakita lalo na papunta kami sa kanila.

Sa takot ko, kahit mag cr sa barko di ko nagawa kaya di ko alam ano or paano ang set up ng cr nila.

----------+------------------+------------------+----------------+---------------+-------

Guys thank you for your continuing reading.
I'll always try to updated from time to time.
And still nirerecall ko pa din yung mga kwento sa akin.

Thanks for reading!

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon