Tv STATION

8.8K 242 6
                                    

Im working now sa call center ng isang sikat na t.v na station. Di ko na lang po sasabihin kung anong tv station po iyon.

Actualy hindi kami nag ooffice doon sa building ng tv station nagkataon lang dun ginawa ung training namin for 3 days. Di ko inexpect na sa 3 days na yun mag uumpisa na naman ako matakot.

Sa 12th floor ang training floor namin. Excited kami ng mga kasamahan ko kasi baka may makita kami na mga artista kaya syempre ready ang mga cellphone pang picture. Although bawal daw sabi ng guard. 7am to 4pm ang schedule ng 1st day ng training namin. 6:30am andun na kame ng mga kasamahan ko excited eh.

Pag dating namin ng 12th floor simpleng mga room lang. Inisip namin baka studio yun. Ang lamig sa hallway ng 12th floor. Buti na lang ready kami may mga jacket. Hanggang nakita na namin ung room na para sa training namin.

As expected chicka chicka lang ang ginawa namin. Nag excuse yung isang kasamahan ko para mag cr. So sabi ni trainor dulo nitong hallway na ito ang cr. So sv q sama aq. Nawiwi na rin aq.. (ang lamig eh)!

Habang naglalakad kami nagtataka kami bakit tahimik eh dapat kahit papano may ibang tao pero parang kami lang ang tao sa floor.

Nicole:(co-worker q) ate ands, ang tahimik dito noh? Walang tao sa mga studio.

Me: ou nga siguro walang schedule na taping. Tara picture tayo or silipin natin ung studio.

Nicole: tara picture.

Nagpicture kami dun sa hallway ilang shots lang naman.

Then sumilip kame sa isang studio. May nakita kami na isang tao sa loob sakto pag bukas namin ng pinto bigla sya lumingon or baka talagang nakatingin sya sa pinto. Sabi lang namin sorry sabay alis.

Nicole: baka mamaya may show dun nood tayo.
ME: Tanung natin maya.

Sa wakas nakarating sa cr..

Sv q.. sosyal ang cr dito pati cr naka aircon.. malamig eh.

Before kami lumabas ay sympre salamin muna. Picture sa mirror kami lang xe tao sa cr hehehe

Pag labas namin ng cr bigla may narinig kami na blag!! Blag.. ung tunog ng pinto na nagsarahan, 2 beses na ganun ung tunog.

Di namin muna pinansin umalis kame sa tapat ng pinto ng cr. At naglakad pabalik ng training room..

Nicole: di ba tayo lang ang tao dun??
Me: tayo lang nga →_→
Nicole: bakit nagsara ung pinto?
Me: di ko alam dalawa tayo nasa labas di ba? Wag mo na pansinin tara na! (Natatakot na xe aq ahaha)

Training room
Ang tagal nyo nag cr ah! Sv nung isang kasamahan namin.
(Pakielamera ahaha)

Trainor: kamusta ang pag cr? Malayo ba? Wala ba kayo nakita?? (With smile)

Me: anung makikita sir?

Trainor: wala naman.. hahaha guys nga pala bukas g.y tayo 9pm to 6am tayo. Ok dito din ang room natin di kasi ako pwede magtrain ng maaga tom.

Nicole: sir pwede b kami manuod ng taping dun sa studio_ _? May nag aayos kasi kanina eh, bka may taping.

Trainor: studio _ _? DIto sa 12th? Wala naman tao dun bakante yun.

Nicole: may tao kanina dun sir nasilip namin bgo kami mag cr. Tumingin skin c nicole para iconfirm.

Me: yes po may tao kanina dun.

trainor: walang studio dito na ginagamit. More on stock room lang dito.

Tahimik kami lahat..

Breaktime..
totoo ba yun sinasabi nyo kanina?mga co worker namin..
Di na ako kumibo. Kasi iniisip ko sana hindi totoo ung nakita ko na tao sa loob ng studio na yun pero 2 kami na nakakita eh di ibig sabihin may nakita nga kami? Bka naman joke lang ni sir ung sinabi nya? Pero ok lang sanay naman na ako..

Wala yun guys! Tara na balik na tayo sa room. Sv q.
Pag labas ng elevator nadaanan namin ung studio sv q sa mga kasamahan ko jan yun oh! Sabay turo sa studio. Tapos bigla sila nagtakbuhan.. (mga takot pala ahaha)
Training room
Paano kaya pag nag g.y tayo? Anu takutan lang??
Trainor: guys maaga ko kayo pauwiin. bukas g.y tayo. Bawal mag pagala gala dito umuwi na kayo walang magpapaiwan dito. (Seryoso si sir)
So umuwi kami ng sabay sabay at walang naiwan sa training room.

2nd day
Grave yard time.
Again as expected kapag gy di mawawala ang kwento na katatakutan.

Ewan q pero parang expected q na ung sasbhn ng trainor namin na meron nga kakaiba o nagpapakita talaga dun sa 12th floor.

Inamin ni sir na ung nakita namin eh totoo isa daw un sa mga utility na namatay dun sa dati studio. Kaya hndi na ginamit pa ung studio kasi hanggang ngayon hindi matahimik ung kaluluwa nya. Namatay sya sa loob ng studio. aksidente na nakuryente ung utilityman.kaya hanggang naun nagpaparamdam pa rin ung utility dun.

Naikwento namin ung sa cr. ung narinig namin na nagsara ang mga pinto ng cr. Sv ng trainor namin my nag suicide daw na make up artist sa cr dahil buntis at di pinagutan ng boyfriend.

And last na kwento is sa training room kung asan kami. Madalas daw na walang tao sa training room na yun. Dahil sa di maipaliwanag na dahilan may naririnig na umiiyak sa room kahit maraming tao ang nasa loob madalas bigla na mamatay ung ilaw tapos may iiyak. Kaya matagal na di pinagamit ung room nagtataka nga c trainor bkt ung training room na yung ang pinagamit sa amin....

Usual natakot kame sa kwento sabay sabay na nag ccr..

PAsensya na medyo mahaba at bitin.. ang haba na kasi sa next part po yung karugtong at ung day 3 na training day..

Thank you po sa pag babasa! Vote and comment lang guys! Thanks again..
Sobra na appreciate ko ung mga comment.. message and vote ninyo. Nakaka inspire magsulat at gumawa ng stories dahil sa inyo..

Kung may story po kayo na maishashare.. share nyo lang po guys.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon