Third Eye

2.8K 66 8
                                    

Ishare ko lang yung experience ko dati sa ninang ko. Hhahaa ewan ko kung maniniwala ako sa kanya or what pero isa lang sasabihin ko.. natakot talaga ako.

Nung andito pa sila ninang sa pilipinas sa alabang sila nakatira. Yung bahay na inuupahan nila ay puro kulay black yung loob pti mga kurtina.. as in puro black. Hindi naman sila weird.. napaka cool na mga tao ang nakatira sa kanila.

Nung pumunta ako sa kanila may kalmot ako sa braso medyo marami sya. Eh nung mga araw na yun doon ako nag iistay sa bahay naman ng tita ko sa alabang din yun.

Pag punta ko sa kanila un agad ang tinanong nya napaano yan mga kalmot mo? Sabi ko hindi ko nga alam ninang eh pag gising ko ang dami ko ng kalmot eh.
Tinignan nya ung kuko ko. Nakita nya pudpod naman. Sabi nya iba na yan.

Eto ang tanong nya.

Gusto mo ba malaman kung ano yung gumawa sayo nyan?

Paano? Yun agad ang tanong ko.

Kakayanin mo ba ung makikita mo?

Sa takot ko ang sabi ko na lang. Kaw na lang tumingin ninang.

Meron syang black mirror kung tawagin ewan ko saan gawa un parang marble na black sya kaya kita mo yung repleksyon mo.

Nung sya tumingi ang sabi nya matanda daw ang gumawa nun ayaw daw ng matanda na ibang tao sa lugar nya.

Nung meron na ako lakas ng loob tumingin aq sa salamin. Medyo matagal mga 10 minutes siguro un na naka titig lang aq sa salamin ng mapansin ko na ngumiti ung repleksyon ko. Ung ngiti na nakakaloko pero alam ko sa sarili ko na hindi ko ngumiti.

Tinanong ko sa ninang ko yun ang sabi nya lahat naman daw tao may third eye meron mga nkabukas meron naman daw hindi.

Meron mga tao na nakakaramdam pero binabalewala lang.

Tinanong nya ko gusto mo ba buksan yung third eye mo??

Ang sagot ko.. AYOKO

Baka kasi di ko kayanin.

Meron nga pala silang grupo dati noong andito sila sa pilipinas. Grupo ng mga paranormal.

Ayoko na alamin, pa ayoko ng buksan. Okay na ako sa ganito. Yung mga tamang ramdam lang.. bukod dun ayoko na ng iba.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon