house for rent

5.5K 117 6
                                    

Continuation lang ito ng buhok. Actually same location din ito nangyari. Sa mismong dati namin na bahay. Wala lang ako maisip na title eh.
Short experienced lang po ito ng daddy ko sa dati namin na bahay.

Yung bahay na inuupahan ko is medyo malayo sa bahay ng parents ko 10 mins jeepney ride simula sa kanila.
May sarili silang susi ng inuupahan ko para kung gusto nila pumunta kahit wala kami ay pwede sila makapasok.

May alaga kami aso noon.labrador sya. Andun sa gilid bahay sya nakatali noon sa may labahan.wala kami sa bahay noon ng pumunta ang daddy ko para dalhan ng pagkain yung aso.
Dahil nga madalas kami wala at bihira kami magluto. Sya nagdadala ng food sa aso namin. Yung mga tira tira nila sa bahay dinadala nya para doon sa aso.

Dumating sya sa bahay na wala kami. Madalas naman kahit nasa bahay kami ay sarado ang pinto dahil nasa second floor kami nag sisiesta. Katok ng katok si daddy kasi akala nya nasa second floor lang kami. Tumigil sya kumatok dahil narinig nya mag pababa na ng hagdan at sinilip nya pa sa bintana na may pababa na nga. Kya tumigil na sya pagkatok. Pero ilang minuto na wala pa din nag bubukas. Ginawa nya tinawagan nya muna ko bago nya gamitin ung susi nya.

Daddy; asan ka?
Me: dto sa labas bakit?
Dad; sino tao dito sa iny0?
Me; wala tao jan bakit?
Dad; wala sige hintayin kita.

Pag bukas ni daddy ng pinto wala talagang tao sa bahay.

Pagdating ko kinumwento nya sa akin ung nangyari. Alam nya daw may bumababa na at nag lakad sa hagdan pa baba dahil nasilip nya sa bintana.

Mayroon pa iba kwento sa bahay na yun aalalahanin ko pa. Sensya na kayo. Matanda na aq makakalimutin na aq. Hahahahha or sadya ko lang ba kinakalimutan dahil natatakot na aq?hahahaha

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon