Agta

14K 343 18
                                    

Naniniwala ba kayo sa agta?

Ito daw yung anin0 lang na nagpapakita?

Naikwento lang sa akin ito share ko na din sa inyo.

4 sila na magkakapatid na nakatira sa bicol.(hindi ko matandaan yung exact place). Sa bicol nag umpisa magpakita at magparamdam sa kanila na kung tawagin ay agta.

Ang agta daw ay anino na itim na itim O taong itim. sabi daw nila taga pag bantay.

Ang unang nakakita sa agta ay panganay sa magkakapatid na si eyin. Isang gabi na tulog na silang lahat naramdaman nya na may umupo sa katre na kinahihigaan nya. Nagtataka sya kung sino yun dahil sila lang magkakapatid ang nasa bahay. At kumpleto silang 4 na nasa higaan.

Hindi nya matanggal ang pagkaka talukbong ng kumot dahil sa takot. Hanggang sa marinig nya na may kumakanta. Pero hindi nya maintindihan ang lengguahe. Alam nya na yung umupo sa katre sa tabi nya. Yun ang kumakanta. Hanggang sa nakatulog na lang sya sa sobrang takot!

Pag gising nya hindi nya na kinuwento sa mga kapatid nya dahil. Baka matakot pa ang mga ito. 

Habang nasa lamesa sila at nag aalmusal. Nagtan0ng ang bunso nilang kapatid na si win0y kung sino daw kung kumakanta kagabi hindi naman daw maintindihan ang kinakanta. Sumagot ung pangalawa sa magkakapatid na si ela. Sabi nya ung agta daw un. Tuwing gabi daw naka bantay daw yun. Lagi lang daw andun sa kwarto yun nakatayo. Gabi gabi daw na nakikita ni ela yung agta.

Hanggang nakasanayan na din nila ang presensya ng agta.

Nang andito na sila manila. Akala nila di na nila makikita ang agta. Pero may mga pagkakataon pa din na nagpapakita ito sa kanila. Lalo na at kumpleto at magkakasama silang magkakapatid.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon