gasoline station

3.3K 69 6
                                    

Naalala ko ang ito experience ko na ito ng mahinto ako ulit sa isang gasoline station,

Sa pagkakatanda ko papunta kami bicol that time.

Nag stop over kami sa canteen ng bus station, eh wala ako mabili doon that time, meron sya katapat na gasoline station kasama ko ung anak ko pumunta kami doon dahil meron sya gusto bilhin sa convenience store doon.

Hindi naman malaking gasolinahan un. Partikular na gas station lang sa isang probinsya ang itsura nya. Alam ko nasa quezon na kami noon.

After namin sa store nagdecide kami na mag cr. Tinanong ko sa crew ng store kung saan ung cr dahil sakto din naman that time eh kelangan din mag cr ng anak ko.

Una nagtaka ako kasi inulit pa ng crew ung tanong ko kung cr ba yung hinahanap ko. Sabi ko oo cr.

Tinuro naman sa akin yung cr. Wala naman iba sa cr. Malinis pa nga kumpara sa ibang gas station eh.

Pero nagtataka ako ayaw ng anak ko pumasok may mumu daw.

That time 5 years old pa lang ung anak ko. Sabik ko naman walang mumu.

Sa cr ang lamig nya parang yung cr sa mga malls.naiisip ko na lang dahil siguro sa malinis sya iba ang ambience ng cr.

Pag labas namin ng cr sinalubong kami ng crew ng store at ang tanong nya, maam okay lang po ba kayo?

Sabi ko oo bakit may problema ba??

Nag salita yung anak ko sabi nya,,

Mama sabi nung bata sa loob wag natin sya iwan sama daw sya sa atin.

Sbi ko anong bata??eh wala naman tao sa loob.

Sabi ng crew wag ko na lang daw pansinin ung sinasabi ng anak ko. Hindi ko na masyado na usisa ung crew kasi ung konduktor ng bus sumisigaw na aalis na ang bus na sinasakyan namin.

Nagtataka lang ako pag alis namin halos feeling ko lahat ng crew ng gas station naka tingin sa amin.

Pag dating sa bus tinanung ko yung anak ko sv nya may bata daw na marumi ang gusto sumama sa amin. Hindi daw nya nakausap kasi daw natakot daw sya sa itsura dahil sobrang dumi nung bata

Hindi ko alam kung anu ang storya ng gas station na yun.kung bibigyan ako ng pagkakataon na mabalikan yun. Magtatanung na talaga ako.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon