ulan

6.4K 105 8
                                    

nangyari lang ito ngayon as in ngayon lang. 0ctober 02 2015.

nag uulan ngayon dahil may bagyo. hindi ako nakapasok sa work dahil una pag gising ko ng madaling araw eh baha na at pangalawa ang lakas ng ulan.

3:45am nung sinilip ko ung daan. kung gaano kalalim ang baha. kung pang karaniwan araw na walang ulan o walang baha eh marami ng tao sa kalsada at bukod doon bukas na ang bakery. pero kanina? sarado pa ang lahat. parang zombie world ung lugar namin.

bumalik na ako sa bahay. nasa likod bahay yung cr namin so bago ako umakyat sa amin nag decide ako na mag cr muna bago matulog ulit. nagdecide kasi ako na hindi na papasok sa work.

kung natatandaan nyo ung kwento ko na asin na tungkol sa kapit bahay namin? usual nadaanan ko un bago ko pumasok sa cr namin.

habang nasa loob ng cr may naririnig ako na ingay sa labas. naisip ko na baka ung kapit bahay namin na nagwowork sa ppndahan ng isda eh dumating na at inaayos ung bahay nia dahil baha nga.

paglabas ko ng cr walang tao. hindi ko pa rin pinansin. dirediretso ko lumabas ng cr at paakyat na ako sa taas napatingin ako sa pinto ng kapitbahay namin. may lalaking nakatayo kabulto sya nung namatay na kapit bahay namin. ewan ko ba pero parang malabo ung bulto nya parang usok na hugis tao lang.

umakyat na ko dirediretso sa itaas namin. ewan ko kung malabo na lang talaga ang mata ko mukhang usok lang ung nakita ko. pero kung malabo at usok ung nkita ko bakit kelangan eh kabulto sya nung kapitbahay namin na namatay??

Shendrea
10/02/2015

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon