Accomodation

6.4K 129 11
                                    

True experience and fresh na fresh na kwento ng kaibigan ko po ito.

nasa saudi sya ngayon at nasa accomodation sya. nagpilit kasi sya umuwi dahil hindi maganda ang trato sa kanya ng amo nya. habang inaayos ung exit visa nya at naghihintay ng ticket sa accomodation muna sya nag sstay.

habang nag vivideo chat kame sabi nya may ikukwento ko sayo nakakatakot pero sana hindi ko maexperience yun.

ang kwento nya mga 2 months ago sa the same accomodation may namatay na filipina.

yung filipina daw na un nagpaparadam sa accomodation hindi pa daw siguro tanggap ang pagkamatay nya madalas daw na makikita ung filipina sa biglang sulyap sa dati nito na kama. minsan daw sa kitchen tapos biglang mawawala pero ang matindi daw sa cr. doon madalas daw naririnig na may umiiyak. hindi pa naman daw na eexperience nung friend ko un. naikwento lang daw sa kanya ng mga kasama nya sa acomodation para daw kung sakali na makita nya aware daw sya.

eto daw yung kwento ng babae.
sa accomodation bawal ang bisita. pero kung may ka kilala ka na nasa accomodation pwede mo sila padalhan ng food sa loob at ibibigay naman sa kanila.

yung filipina daw na yun ay naghihintay na lang ticket at exit visa nya. umalis daw ung filipina sa amo nya dahil daw sa sinasaktan sya pinagtangkaan halayin. hindi na daw nagsampa ng kaso ang filipina para hindi na sya magtagal doon at ng makauwi na sya. excited daw makauwi ung filipina dahil sa nag iisang anak nito wala naman daw sya pasalubong pero atleast makakauwi at makakasama na sya ng anak nya.

isang araw daw may nagdala ng food laruan at kung ano ano pa para sa filipina. galing daw ito sa babae nyang amo at may sulat daw na kalimutan na ang lahat at humihingi ng tawad kasama daw sa sulat eh may pera pang umpisa daw ng filipina para sa kanyang pag uwi. natuwa naman ang filipina dahil kahit papano daw ay mabait ang kanyang amo na babae. may fast food daw na dala ito at kinain nung filipina. ilang oras nagsusuka ang filipina at bumula na ang bibig. dinala ito sa hospital pero hindi umabot ng buhay. nabalitaan na lang daw ng mga kasamahan sa accomodation na ganun ang nangyari. food poison ang ikinamatay pero sabi sinadyang nilason. alin man dun wala ng balita ang mga tao doon.
after ng ilang araw nag umpisa na magparamdam ang babae sa accomodation.

sa ngayon wala naman hindi pa daw nararamdaman nung friend ko. inaalis nya daw sa isip nya wala na kasi sya kasama sa room nya sya na lang mag isa. naghihintay na lang sya ng exit visa at ticket para makauwi na.

hahahha sana maramdaman nya ng may maikwento sya. hahhahha

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon