Reyna elena

2.6K 76 5
                                    

Naishare lang po ito ng sa akin ng pinsan ng friend ko.

P.o.v nya ito.

Bakasyon yun. To be exact may sya.

Ako nga pala si alvin,25 years old.
Nasa province kami noon, sa mindoro. Kasama ko nag bakasyon yung family ko.

Kapag nasa probinsya ka bakasyonista ka ang sarap ng feeling lalo na at bago ka sa lugar.

Bagong punta lang aq noon sa mindoro since ayaw ako isama dati ng parents q.

Sa di ko alam na dhilan bakit ako ayaw isama noon.

Simple lang ang buhay doon. Maaga natutulog ang mg tao tipikal na probinsya.

Isang gabi, dahil sa sobrang inip ko. Lumabas ako. Naghahanap ako ng tindahan nabukas pa. Dahil gusto ko mag yosi.

Di pa man ako gaano nakakalayo sa amin eh. May nakita ako na papalapit sa akin. Babae na naka gown na pang sagala at reyna elena sya. Kaya ko nalaman dahil sa sash na suot nya. Huminto ako kasi gusto komakita ung mukha nya kung pang reyna elena nga ba. Pero nagtataka ako dhil bakit mag isa lang sya at naglalakad sa dilim. Pero di kona lang pinansin. Huminto ako para makita sya. Ang bagal nya nga mag lakad eh. Parang sinasagala pa rin un lakad nya.

Nung palapit na sya sa akin siguro isang di pa ung layo nya noon, huminto sya at humarap sa akin,napatakbo na ako pabalik sa bahay dahil wala syang mukha.

Nagising ko ung mga tao sa amin noon kasi sobrang lakas ang pagkakabukas ko sa pinto at halatang nagmamadali ako. Nagtanong ang parents ko at sinabi ko ang lahat ng nakita ko. Nagulat ako ng sinasabi ni papa na mamaya pag liwanag uuwi na tayo. Pinag hubad nya ako ng damit pati underwear kinuha nya as in lahat pati bimpo na gamit ko nung humarap sa akin ung babae kinuha ni papa.

Lumabas si papa nakaplastic yung pinag hubadan ko. Pag balik nya wala na ung mga damit ko na dala nya at umuwi na din kami ng manila pag sikat ng araw.

Nang dahil sa pangungulit ko eh kinuwento ni papa bakit nya kinuha ung damit ko.

Inalay daw kasi.

Matagal ng kwento sa lugar nila ang reyna elena. kinuwento lang sa kanya ng parents nya ito. Ang kwento daw eh ung reyna elena dati ng bayan nila eh nagpakamatay dahil niloko sya ng nobyo nya o pinagpalit sa iba. Hindi ito matanggap ng babae dahil ang pinalit sa kanya ng nobyo nya ay hindi kagandahan na babae.

Nagbigti ung reyna elena sa puno na malapitsa bahay nila. Suot pa ang gown nya. Mayo din nangyari yun dahil pagkatapos ng sagala nag bigti ung babae.

Simula daw noon, lagi nag papakita ang reyna elena sa mga lalaki na may itusra o kadalasan ay dayo, naghahanap daw ng makakasama nya sa sagala nya o konsorte nya. Sabi daw kapag nakita mo ung babae eh magkakaroon ka ng malubhang karamdaman hanggang sa ikamatay mo. Sabi ni papa meron na daw na namatay dahil sa nkita ung babae parehas ko din daw na taga maynila. Dayo lang doon para magbakasyon.

At sabi daw ng parents ni papa kapag daw nakita mo ang reyna elena. Para di k nya isama eh kelangan maialay mo kanya ung damit na suot mo nung nakita ka nya. Yun ang ginawa ni papa. Inialay nya ung damit ko doon. Sabi ni papa nung pagpunta nya doon sa puno na pinag bitinan nung babae marami din daw mga damit ng lalaki doon. Sabi daw ng matatanda kaya daw ganoon para maisip daw ng babae na naisama nya ung mga lalaki na pinagpakitaan nya kasi ung amoy ng lalaki nasa damit pa.

Yun lang ung kwento nya. Medyo mhaba ung pag kakwento nya pero pina iksi ko na lang hahahaha. Pinaiksi pa yan.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon