Suicide

5.3K 129 7
                                    

Naniniwala ba kayo na ang kaluluwa ng mga nag suicide ay hindi natatahimik?

kung hindi sila natatahimik nasaan ang mga kaluluwa nila?

Dahil sabi nila hindi tinatanggap ang mga kaluluwa ng nag suicide?

Bakit hindi tinatanggap o bakit hindi minimisahan sa simbahan ang mga bangkay ng nag suicide. ?

Nasa work aq ng mabalitaan ko nag pakamatay si kuya roger.

Si kuya roger at si amy ang kanyang anak. Silang dalawa lang ang nakatira sa bahay nila.yung asawa nya si alysa ay nakatira sa kabilang eskinita. Hiwalay sila mag asawa. Ayaw kasi sa kanya ng pamilya ng babae. At ayaw na din sa kanya ng babae dahil nakakita na ito ng iba.

Nagpakamatay si kuya roger sa pagbigti sa sarili nya. Sa harap mismo Ng 4years old nyang anak.

Sinarado nya ang bahay binilhan ng maraming pagkain ang anak para hindi ito mag iiyak. Nagpakamatay si kuya roger. Nagbigti sya sa may lababo nila doon sya umakyat.at nagbigti.
May suicide note kaya walang foul play noong inimbestigahan.
Kaya nalaman ng kapitbahay na nagbigti si kuya roger dahil nakalabas ung bata ng bahay na napa dusing hinahanap sa bata ung tatay nya pero sinasabi langng bata tatay nya daw nakatali.
Sinamahan ng kapitbahay na makauwi ang bata sa kanila. Nakita nila na naka bigti na ito. At patay na. Sa suicide note nya isinusumpa nya yung asawa nya.

Sa lamay nya noon. Ewan kung nagkakataon lang or talagang nagpaparamdam si kuya roger. Kasi sa lamay nya sa unang punta ng asawa nya nasa pinto pa lang ito namatay na lahat ng ilaw at biglang sumara ang kabaong. Natakot ung asawa nya at umalis ito. Inisip ng mga tao baka nagkataon lang ito.
Nung pangalawang beses na nagpunta ung asawa nya ganoon din ang nangyari. Kaya nasabi ng tao ayaw ni kuyya roger na dalawin pa sya ng asawa nya.

Ilang taon ang lumipas.. madalas pa rin nakikita si kuya roger sa bahay nila nakatali pero nakadilat daw ito at nakangiti. Nakakatakot daw sabi ng mga nakakakita.

Sa ngayon .. siguro nga.. tumalab ung sumpa ni kuy roger sa asawa nya.

Isinumpa nya ito. Na hindi gaganda ang buhay at walang lalaki na seseryoso sa kanya.

Ganoon na nga ang nagyayari ngayon...

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon