Pantry

15.3K 366 22
                                    

Ako nga pala si Monique 3 months na call center agent. Di ako naniniwala sa mga multo or anu pa man dahil wala pa Naman talGa ako nakikita. Puro mga kwento lang ang ng mga kasamahan ko ang naririnig ko pero until now wala pa frin ako nakikita. Hanggang sa nagbago yung paniniwala ko ng makasabay ko sya sa pantry.

Madalas ako lang mag isa kumakain sa pantRy dahil aq lang ang mahilig mag baon sa mga ka wave ko. Ayoko kasi ng mga ulam at kanin na tinitinda sa labas kaya madalas. Sa pantry ako kumakaen. May madalas ako makasabay na agent. Siguro sa loob ng 1 week ay mga 3 beses ko sya makasabay. Palagi sya naka pwesto sa may window.

Nagtataka lang ako lagi sya nauuna sa akin sa pantry pero nauuna pa ako matapos kumaen sa kanya. Naisip ko na lang baka nga mabagal lang sya kumain.

Graveyard ako the next week ang lunch time ko is 2am to 3am.pag punta ko ng pantry nagulat ako andun din sya. Ganun scenario pa rin nakatingin sa labas at di ginagalaw yung food. So ako ininit ko lang yung food ko sa microwave dahil plano q sa post na lang kumain kahit bawal!

Habang hinihintay ko matapos ung iniinit ko lumapit ako sa kanya at tinanung ko sya kung anung campaign sya di nya ko sinagot deadma lang ang sabi ko na lang sa sarili ko suplada pala eh!
Then kinuha ko na yung food ko. Napansin ko na lang si ms. Suplada di nagpapalit ng damit? Lagi na lang ganun suot nya? Sabagay baka nagkakataon lang!

Palabas na ako ng pantry ng ung ka wave ko naman ang papasok. Kukuha ng water.
Tinanong ko pa kung kakaen na sya sa pantry dahil may masunget sya na makakasabay dun tanungin mo nga kung anu account sya. Di ako lumilingon habang sinasbi ko sa kanya.

Pagdating sa post nya. Ang sabi nya sa akin monique sino yung sinasabi mo?
Ang sagot ko sa kanya ung agent na nasa pantry ang sunget kako! Deadma lang nya ako!
Sinong agent? Eh ikaw lang mag isa kanina sa pantry?sabi ng kasamahan ko.
Nagulat ako sa sinabi nya! Anung ako lang mag isa? Bago ka pumasok ng pantry 2 kame dun ung agent na nasa window!

Sumagot yung TL namen. Sabi nya sa akin. Monique yung naka sabay mo ba sa pantry ay naka pink na floral shirt? And short hair ?

Yes mam! Yun ang sagot ko. Di nakawala sa akin yung pagkabigla ng reaction nya.

Bakit po mam?
Kelan mo pa sya nakaka sabay sa pantry? Tanung ni Tl

Medyo matagal na din mam pero hindi everyday!

Kinausap mo ba?

Kanina lang po mam peo di sya sumagot!

Guys mag meeting aux kayong lahat now na!and pumunta kau dito sa post ko.

Nagtaka man kame pero sumunod kame lahat.
Eto ang sinabi ni tl.

Guys if ever na pupunTa kayo ng pantry at makikita nyo agad na may agent na babae na nasa window lagi sya naka pink na floral shirt at short hair wag muna kayo tumuloy ng pantry. Okei?
Nagtanung ako sv q cnu ba yun mam? At bakit di pwede?

Sya si carla top agent sya dati. Lagi sya dun nakapwesto pag break nya. Favorite spot nya yun. Walang gaanong friend si carla mas gusto nya kasi lagi sya nag iisa.

Nagtaka kame ng 1 day di pumasok si carlo no call no show! Nagtaka ung tl nya dahil ni minsan di nya gnawa un. Baka my emergency lang naisip ng tl nya!. Pagdating ng lunch break ng tl nya pag punta nya sa pantry andun si carla sa pwesto nya sa pantry nakatingin sa malayo. So gnawa ng tl nya tinanung sya! Carla half day kb today? Di ka nagtxt? Tahimik at di sumagot si carla naisip ng tl nya bka me problema lang pinagpatuloy nya ang pagkain nya. After an hour di pa rin nag in si carla. So tinignan nya sa pantry pero wala na ito sinubukan nya tawagan pero out of coverage. Naisip nya baka nga may problema yung top agent nya.

Nagulantang sya sa balita ng isa nyang agent na patay na daw si carla! Kagabi pa daw pauwi daw after shift si carla ng mapagtripan ng tricycle na sinakyan nya! Ni rape at sinaksak si carla. At kaninang umaga lang natagpuan ang bangkay! Nangilabot ang tl nila sa narinig! Dahil kinausap nya pa kanina si carla.

Simula noon madalas makita si carla sa pantry. Yung mga sumubok na makipag usap sa kanya sa hindi malaman na kadahilanan ay bgla nagkakaskit. Madalas pag pakitaan ni carla ay yung mga agent na bgo lang at di mga naniniwala sa kwento multo.

Di makapaniwala si monique sa kwento ni tl. Kinabukasan di nakapasok si monique dahil sa taas ng lagnat.

Magpahanggang ngaun si carla madalas pa rin magpakita sa pantry... Andun lang sya naka tingin sa bintana!

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon