2 Hours

3.8K 69 8
                                    

Na ishare lang sa akin ito ng friend ko na minsan na magkakwentuhan kami.

Yung friend ko at bf nya ay mahilig mag short time. Alam nyo na.. karaniwan lang sa mag syota un. Walang place kaya nag checheck in sila ng bf nya. Ewan ko kung related ito sa na experience ko dati o talagang meron lang sa building na yun. Napaka coincidence kasi na naexperience ng friend ko yun sa same hotel na naka exprience ako.

Eto na yung story nya.

2am nagdecide sila mag jowa na mag check in. Somewhere in monumento din (dun kasi marami motel). Dahil sa dami ng tao waiting sila ng room. Nakapag check in sila ng 3am. 2 hours lang yung kinuha nila para sakto 5am ang out nila. Hindi na matandaan ng friend ko ung room number pero standard room lang daw yun.

Syempre naligo na muna ung friend ko. Nagtataka sya iniwan nya bukas ung shower lumabas lang sya para kunun ung towel pag balik nya sarado na ito. Hindi nya pinansin yun.

Inioff daw nila yun ilaw at iniwan ung ilaw ng cr na bukas. Iniopen lang nila ng konti ung pinto ng cr para medyo maliwanag.

Nag uumpisa na sila ng jowa nya. Alam nyo na hehehe. Pero bigla sya bumangon dahil may nakita sya na lumabas sa cr. At talagang nag bukas yung pinto ng cr. Nagkataon lang daw siguro na nagbukas ang pinto pero ung may lumabas eh kitang kita nya daw.

Hindi na sya nag isip pa pinilit nya na ung bf nya na umalis na sila. Badtrip man daw pero sumunod naman ung bf nya. Nag check out na daw sila. Nung nasa sakyan na sila pauwi..

Convo nila .
B; naniniwala ako sa nakita mo.
G: anong nakita?yung sa hotel?
B:oo kasi nakita ko. Di ba nung nag aya ka na umuwi dahil nakita mo me lumabas sa cr, nag hihilamos ako at may nakita ako na naka tayo sa likuran sa salamin pero bigla nawala. Kita mo nagmamadali na ako lumabas inaya kita agad.

Yan ung naexperience ng friend ko. ewan ko kung coincidence kasi sa parehong hotel ung naexprience na ishare ko na din dito yun. Hindi kami pareho ng room dahil iba ang mga room ng pang short time lang.

Ngayon naisip ko lang hindi lang siguro sa room ang may problema. Siguro sa building talaga.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon