From my inbox 007

1.1K 23 1
                                    

Hi po, Share ko din po yung story ko, Second year Highschool pa po, Catholic School po sya, Sabi nila marami daw masusungit na madre sa school, pero ngayon wala na pong mga madre ngayon. Vacant po namin, walang teacher, syempre ang ingay namin, kanya kanya kaming ginagawa, basta sobrang gulo lang talaga namin... halos lahat kami sa Klase ay maingay, tapos napansin namin yung isa naming classmate, Ang tahimik nya tapos yung face nya takot na takot, parang may nakikita sya, tapos bigla nalang syang nagsuka tapos nawalan ng malay, dinala namin sya sa clinic, tapos hinintay namin syang magising... Nung gising na sya, nagkwento sya kung bakit sya hinimatay, ang kwento nya... Diba ang saya saya natin kanina, tapos napansin nyo tumahimik ako, kasi meron isang madre doon sa pinto, galit na galit sa atin, sabi ng madre "tumahimik kayo" tapos walang nakakarinig sa kanya pero ako narinig ko sya kaya tumahimik ako, Tapos ang hindi nyo alam, tinitigan nya tayong lahat sa mukha, as in sa mukha talaga, face to face... tapos nung ako na tinitigan nya dun ako nasuka at nawalan ng malay sa sobrang takot. Grabe... may naka face to face na pala akong multo di ko alam, buti nalang talaga di ko nakita yung madre, true story po yan. Yun lang po.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon