baguio story

1.6K 23 4
                                    

Naishare lang ito ng tita ko today.

Habanga kumakain kami sabi ko. Tita hindi na tayo nakapag baguio hindi pa talaga ako nakakapunta doon. Iset na yan hanggat free aq.

Ayaw ni tita.

Sabi ko bakit naman?

Ang dami multo doon ayoko.

Eto yung kwento nya.

last na akyat namin ng baguio is last 2014.
May dala kami sasakyan noon.
Yung driver tska yung kasama nya. Eh sa sasakyan natulog malamig naman daw. Kahit malaki ung nakuha namin na bady eh ayaw matulog doon ng driver dun lang daw sya sa sasakyan matulog. Eh di hinayaan na lang namin.

Eto ung kwento ng driver kinaumagahan.

Gabi na tulog sya sa sasakyan sa back seat sya nahiga at sa likod pa ung kasama nya. Adventure ung sasakyan.

So walang nakaupo sa driver seat. Nagpapantok na sila ng may narinig sila na umiiyak. As in iyak na babae. Doon mismo sa driver seat.

Driver: pre naririnig mo yun?
Driver 2: oo pre naririnig ko.

Maya maya

Driver: tulog ka na ba pre?
Driver2: hindi,pinakikinggan ko pa.

Driver: silipin mo nga sa salamin.
Driver 2: ayoko nga pre ikaw na lang.

Driver: pre labas na tayo. Takbo.

Lumabas sila ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay doon na daw sila nag pa umaga.

May iba pa na ikwento si tita. Ishare ko po soon.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon