FAIRVIEW

13.1K 284 12
                                    

Hindi ko kasi matandaan yung pangalan ng subdivision.. kaya yung lugar na lang ang title ko. Somewhere in fairview sya.

Nangyari ito kahapon may 15 2015 pay day friday. Bago lang ito.

7pm nasa tides e.rod ako. Si hubby nasa bluementrit kanya kanya kame ng inuman that time. Mga bandang 12am sabay natapos yung inuman namen at nagkita kame halfway. Akala ko that time eh uuwi na kame hindi pa pala pupunta daw kame ng fairview dun kame iinom at kelangan mapunta dun dahil yung iaang kasama nya sobrang lasing para may matulugan dahil hindi na kaya umuwi kasi from cavite pa yun. So pumayag naman ako dahil wala na rin ako choIce eh pero okie lang namen sa akin. To make the story short that time byahe kame pa fairview pag baba namen sa subdivision is talagang creepy na ng dating ang dilim ng ibang daan at talagang walang tao ka na makakasalubong as in wala talaga bawat street. Sobrang tahimik ng lugar. Wala kahit tricycle. Nung nakarAting kame doon sa bahay ang itsura nya ay maganda di mo iisipin na may kakaiba sa bahay na yun. 2  floor  may 3 bedroom sa taas tapos may isang cr sa 2nd floor and yung sa 1st floor ay mayroon din cr then dinning area. Sala and may parking. Maganda yung house. Mag 2 years pa lang daw na nagagawa yun. And bihira may tao dahil may bahay talaga sya na tinitirhan. Doon kame tumuloy past 12am na kame nakarating dun. Bumili muna kame ng alak dun sa may entrance ng subdivision. Medyo okei na yung kasama namen na lasing nung dumating kame dun. Kaya medyo uminum pa. 4 kame at ako lang yung babae. Ok lang kasi kasama q naman ung hubby ko.

3:30am nung natapos kame uminum nag decide na dun na matulog at pag maliwanag na tsaka na lang umuwi. So sa isang rum sa taas 4 kame nagsamasama matulog. Tulog agad yung 3 dahil mga lasing. Aq di maka tulog dahil namamahay ako at sobrang tahimik ng lugar. Maya maya may narinig ako na nagtutunugan na pinggan at hinihila yung upuan sa dine in. Alam na alam mo sa baba lang un pinipilit ko gisingin si hubby pero talagang tulog sya. Nakiramdam aq bka mamaya may tao na nakapasok. MAya maya nawala na yung ingay. May narinig naman aq na yabag ng paakyat ng hagdan so ako naman mdyo natatakot na  tumagilid aq at nagtalukbong. Ung pwesto q kasi ay nakaharap sa pinto bukas pa naman ung pinto dat tym then napansin q nung  nawala yung yabag ay nagdilim sa kwarto. May nakatayo sa pinto. Na block nya ung ilaw sa corridor kaya mdyo dumilim. Nagulat ako bigla nasalita yung may ari ng bahay. Alis jan! Maya maya nawala na yung nakatayo. So di q na lang pinansin at natulog na ako..

Morning..
Sabay sabay pa kame nag breakfast,duon ko na natanung ung nangyari kagabi. Doon ko din nalaman na may nag mumulto nga sa kanila madalas daw na pag nasa taas sila may nag iingay sa baba at ganun din daw kadalasan umaakyat at tatayo lang pinto ng room. Baka daw kasi napamahayan na ng multo dahil lagi na walang nakatira. At madilim ang bahay. Ever since na nagawa daw ung house pinaka matagal lang na may naiistay sa house is mga 2 weeks lang.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon