experience #01

10.5K 243 12
                                    

from : @haneenamores thanks sa pag share sis! share pa po ulit :)













Hi ms. Author. Nabasa ko ung story mo at sabi mo dba pede mag share ng story so gsto ko mag share :-)

Eto ung kwnto ..

2nd year high school ako noon nung mangyari to.

Mahimbing akong natutulog nang bigla ko magising. Siguro mga around 4am. Tinanggal ko yung kumot ko sa mukha kasi nakatalukbong ako nun.



Di sinasadya na napatibgin ako sa bandang paanan ko. Kasi sa paanan ng bed ko bandang kanan ang bed ng mama ko. Sa kaliwang paanan naman ng bed ko ay bed ng uncle ko basta ganon.

Pagtingin ko halos di ako makahinga sa nakita ko.



May lalaking nakaputing tshirt at nakatalikod sakin ang nakatayo sa paanan ng bed ng uncle ko.

Dati nagwwish ako na sana makakita ako ng multo dahil hilig ko ang mga nakakatakot pero nung mga sandaling yun nagdasal ako na nawa'y wala na ang taong yun at halos atakihin ako sa puso dahil sa takot.

Agad ako nagtalukbong ng kumot at hinintay mag umaga.

Kinabukasan kinuwento ko sa mama ko ang nangyari at pinabless nya agad sa isang pastor ang bahay namin at dun namin nalaman ang dahilan ng pagpapakita ng mumu.





"Noong wala pa ang bahay nyo dito ginagawang tapunan ng mga sinalvage ang lupang tinitirikan ng bahay nyo. At ang nakita ni chin-chin (ako yun) ay isa sa mga pinatay."

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon