Eskinita

559 11 1
                                    

Eskinita.. Marami nito dito sa Maynila halos lahat at ng lugar meron nito. Halos lahat ata ng sinasabi na eskinita ay hindi nawawalan ng tambay or ng kung ano ano. Noon ang mga eskinita at sobrang dilim. Pero ngayon karamihan dito ay maliwanag na.

Ang kwento na isheshare ko sa inyo ay galing sa kaibigan ko.

Recently lang nangyari ito sa kanya.

Si James ay isang call center agent. Kaya sa umaga tulog sya at sa gabi gising. Everyday routine nya na yung uuwi sa umaga matutulog hanggang 7pm aalis ng 9pm. Sa ganitong routine nya eh wala syang balita sa mga nangyayari sa paligid nya. Kapag rest day nya usually nasa labas or nag oout of town sya. Kaya kahit anong balita sa lugar nila ay hindi nya alam or masabi na natin na hindi sya updated.

Super lakas ng ulan ng umuwi sya alanganin oras mga 3am or 2am daw yun. Nag early out sya dahil wala naman masyado calls at gusto nya din mag pahinga pa. Since sobrang lakas ng ulan eh ayaw nya dumaan dun sa main road dahil baha na gawa ng may construction sa main road kaya minamabuti nya na sa eskinita na lang dumaan. At the same time mas mabilis sya makakauwi kung doon sya dadaan.

Kung pang karaniwang araw na walang ulan maraming tao sa eskinita na yon. Pero iba ngayon dahil wala ka makikita ni isa na tao sa daan dahil sa lakas ng ulan.

Hindi alintana ang dilim at lakas ng ulan, dumaan pa rin sya sa eskinita. Nasa kalagitnaan na sya ng may mapansin syang mama na nakatayo sa gitna at walang payong.

Namukhaan nya ito.. Ito ung kapitbahay nila na guard sa may grocery na malapit sa knila. Binati nya ito pero hindi sya pinapansin.

"kuya palabas ka ba? Baha na sa kanto."
Pero walang sagot at nakatitig lang sa kanya.

Napansin nya na parang ang lungkot ng mata ng kapit bahay nila. Naisip nya na baka naman may sakit lang ito o masama ang pakiramdam pero.. Bakit nag babasa sa ulan?

Hindi na lang nya pinansin at nilagpasan na lang ito.

Pag uwi nya sa kanila. Ate nya ung nagbukas sa knya ng pinto since naiwan nya ung susi ng bahay nila kanina nung pumasok sya.

Habang nag luluto ang ate nya natanong sya..

James saan ka dumaan ngayon pauwi?

Dyan sa eskinita baha na kc sa main road tska malubak doon.

...

Buti hindi mo nakita si Alfred jan hahaha

Nakita ko sya sa eskinita ngayon lang pag uwi ko dito sinabihan ko nga na baha na sa kanto pero di aq pinansin eh.

Nagulat ang ate nya sa sinagot nya at di makapaniwala
Sa pagtataka ni james tinanong nya ang ate nya..

Bakit ate? Anong problema?

....

Patay na si alfred kagabi, pinagsasaksak jan sa eskinita natin. Sinundan sya ng mga naka away nya sa tindahan at tyempo na nasa eskinita sya at walang tao dun sya pinagsasaksak. Walang nakakita sa pangyayari dahil walang tao sa eskinita. Umaga na ng nakita ang bangkay nya.

Pero may mga nagsasabi na may. Nakakakita. Pa daw ke alfred hanggang kaninang umaga na lumalabas sya sa eskinita na yan.

Hindi makapaniwala si James sa nalaman nya. Hindi sya naniniwala sa paranormal pero ngayon.. Sya mismo na ang nagkukuwento nito..

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon