Shared Stories

3K 51 1
                                    

This story is from MsFearless14



Hi po ate shen, sabi nyo po pwede pang magshare ng story, so eto na po yun.Grade 6 ata ako nung nangyari to. Nagpunta kami ng kaibigan kong si Razelle sa bahay nila Adrianne (babae po yung mga kaibigan ko) wala lang trip lang namin.Nakaupo kami sa labas habang nagkwekwentuhan kami. Tumayo saglit si Razelle naiwan kami ni Adrianne na nakaupo bigla akong napalingon kasi maynarinig akong parang dumaan sa likod ko.Paglingon ko wala namang dumaan.Akala ko ako lang yung nakarinig, pati pala si Adrianne nakarinig. Nagkatinginan kami tapos bigla kaming tumakbo papalapit kay Razelle.Pumasok kami sa loob ng bahay nila."Zhaqira! Huy! Zhaquira!"tawag saakin ni Adrianne."Hah?"Paglingon ko bigla nalang syang umiyak. Natakot ako kasi hindi iyakin si Adrianne."Ikaw kasi hindi ka nalingon eh! Akala ko mawawala ka na!"iyak saakin ni Adrianne.Hindi ko sya maintindihan that time. Tapos kinwento nya na para daw nagiiba yung itsura ko. Naging kulay puti daw yung mga mata ko. Niyakap ko nalang sya.Yun lang po;)

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon