Pampanga

9.3K 201 7
                                    

Yung title na ginawa ko is kung san nangyari ung story.

Im from malabon pero ang mother ko is originaly from pampanga.

Im only 13 years of age nung mangyari ung experience na ito sa amin. Di ko alam pero that time di ako natakot or what. Pero sila medyo kinilabutan lang.

Umuwi ka ng pampanga ng biglaan kasi namatay na ung lolo ng mommy ko so lolo ko sa tuhod ata tawag dun.

Umuwi kame ng last day ng burol. Isang jeep kame nun sa pagkakatanda ko.
Habang nasa burol kame. At nakikipag kwentuhan sabi ng mga tao doon ang lolo daw simula ng namatay ay marami daw naka bantay na engkanto at kapre mga lamang lupa. Kasi nung buhay pa daw si lolo mang gagamot ito at may mga alaga daw sya na lamang lupa. Kaya ng namatay ang matanda hindi din daw umaalis ang ang mga engkanto sa tabi ng bangkay ng lolo. Ung naamoy daw namen sa sobrang mapanghi at mabaho sa ataol ng lolo un daw ang amoy ng engkanto na nagbabantay sa kanya. Ibig sabihin daw nun andun lang sa palagid ang mga engkanto.

Ewan ko pero that time di ako naniniwala eh.

Hindi sanay mag puyat ang mommy ko kaya inaya nya na ako matulog sa isa sa mga kwarto doon. Ung kwarto eh nasa likod bahay marami puno duon at ang cr ay nasa labas din.

Sa pagkakatanda ko. Naglalaro ako ng brick game nun ng ayain ako ng mommy ko na mag cr. Pumayag ako dahil naiihi na rin ako.

Nauna si mommy mag cr. Kasi maliit lang ung banyo di kame pwde mag sabay doon. So nauna sya nasa labas ako nag hihintay. Malamig doon sa lugar at mahangin. Syempre dahil probinsya. Pagkatapos ni m0mmy mag cr ako naman ang nag cr hinintay nya din. Ako habang nasa loob ako may narinig kame na sitsit' akala ko ako lang ang nakarinig. Dalawa pala kame ng m0mmy ko.

M0mmy: narinig mo yun?
me: alin?
M0mmy: yung sumisitsit
me: ou kanina pa nga un dun pa lang sa tinutulugan natin.

Pinagmadali ako ni m0mmy na mag cr pag labas ko medyo mahangin talaga sa labas napatingala si mommy ko sa may puno ng mangga. May nakita sya na mapulang parang apoy sa may puno daw . Sabi nya lang sa akin wag daw ako titingin sa taas mag diretso lakad lang daw ako. Diretso daw kame sa lamay ulit.

So sumunod lang ako kay mommy ko.
Pagdating namen ulit sa lamay. Naikwento ng m0mmy ko ung nakita nya. Yun daw ang kapre sabi ng mga taga doon na nag babantay sa lolo.

Madaling araw nun nilibing din si lolo ewan ko 1st time ko naka kita ng ganun na madaling araw nililibing ang patay.

Sayang di ako tumingin sa taas that time di sana nakita ko rin ang nakita ng m0mmy ko..

Sa ngayon pag umuuwi kame sa pampanga wala na ko naririnig na kwento pero maraming experience sila naikukwento. Marami pa ko ma ishare na experience nila.

Sa next update po ulit...,

Thanks for reading guys!

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon