Shared Stories I

3.7K 70 1
                                    

This story is from lebron-rodriguez 



Isang gabi po pauwi na po kami galing sa Lola namin. Malapit na po kami sa bahay namin, mga 12am na po yun. Nagdadrive po mommy ko tapos biglang may dumaan na dalawang tao. Ang bilis nila tumakbo, so napatigil si mommy. Halos umurong lahay ng bagay sa kotse as in pati ako muntikan nang bumangga sa dashboard. Napamura pa mom ko sa nangyari. Tumingin agad kami saan pumunta yung mga tao. Tuloy-tuloy po yung pagtakbo nila so tumingin agad ako sa right side, cause nanggaling sila sa left side, para makita yung mga tao. Pati mom ko napatingin siya dun sa mga tumawid. Laking gulat namin na wala sila sa sidewalk. Tinanong ng mom ko kung ok lang ako and sabi ko ok lang. Tinanong niya rin ako kung nakita ko yung tumakbo. Sabi ko hindi ko sila nakita pero hinanap ko sila. Tumuloy na lang kami pauwi. Pagkatapos namin umuwi, natulog na kami. Pagkagising, kinuwento namin sa kapitbahay yung nangyari and sabi nung isa sa mga kapitbahay namin maaaring multo yung mga yun. Nagulat kami and we agreed na baka multo nga yun kasi nag-disappear sila bigla-bigla after the incident. Naaalala ko pa rin yung hanggang ngayon. Mga five years ago pa yun.





ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon