Experience 6

2.4K 37 4
                                    

This is from 

Andito po ako sa malaysia ngayon para mag trabaho sa tita ko po. Unang pasok ko pa lang po dito sa tinitirhan nilang bahay mararamdaman muna ung aura na may kakaiba po dito sa bahay. Loob man o labas kakaiba. Bali may third eye na po ako since birth. Bago pa lang po ako nakapunta dito may mga nakikita at naririnig na po ako mga bulong na isang ispirito. Madami sila pero sa pinas po un. Ung ikukuwento ko po ay ung naranasan ko po dito sa bahay na tinitirhan nang tita ko na bahay nang ante nang asawa nya. Matanda na po kasi ung ante ung asawa ni tita ko kaya sinasamahan po nila dito. Isang gabi dalawa lang po kami nang ante nang asawa nang tita ko dito sa bahay kc lumabas po cna tita. Tawag ko po sa ante nang asawa nang tita ko grandma. Nov. 21, 2014 po un around 6:30pm po un. Naisipan ko po pumunta sa kwarto ko. Ung kwarto ko po kasi bago ka makapunta dun dadaanan mo muna ung hagdan papasok sa kwarto ko. Then un nga po papasok na po sana ako sa kwarto ko nang maisipan kong tumingin sa taas nang hagdan tas iksakto naman may nakita akong isang matangkad na lalaki na maitim kita ko ung mukha na naka ngiti pa sa akin. Papababa sana sya nang makita ako nagkatinginan kami nung lalaki eh alam ko naman po na kami lang ni grandma sa loob nang bahay nagtataka na po ako f sino po un at kinilabutan po buong katawan ko sa nakita po. Tas kumaripas po ako nang takbo sa loob nang kwarto tas di po nagtagal dumating sina tita ko at patakbo sa pintuan nang sala para pagbuksan sila at sinabi kong may nakita akong lalaki sa hagdan tas may pinakita sila sa akin na picture nangilabot na naman ako kasi po siya ung nakita ko sa taas nang hagdan at sa picture. Un po muna sa ngayon sa susunod po sa pagtira ko naman po sa isang lugar na salvage area nun na naun ay sobdivision na po. Tnx po.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon