Sundo

6K 132 14
                                    

Naniniwala ba kayo sa sundo??? Ung si kamatayan daw o mga kamag anak na namayapa eh sinusundo ug mga kamag anak nila na oras na para mamatay?

Parang feeling ko eh may naishare na ako dito na ganito. Ung sundo ng lolo ko eh tatay nya at nagpakita ang lolo ko sa daddy ko? Hahaha mamaya hanapin ko kung naishare ko nga.

Pero eto talaga ung isheshare ko sa inyo..
High school days marami kaming magkakabarkada..
Since 3rd year hanggang ngayon kami kami pa rin ang magkakabarkada. minsan dumadating pa din sa kwentuhan namin ung namatay namin na barkada.

Sa pagkakatanda ko.. 2nd year college na aq ng mamatay ung isa ko barkada itago na lang natin sya sa name na jm.

Nung nabalitaan ko na namatay na si jm . Grabe takot ko or paranoid ako noon na baka magpakita sya sa akin or magparamdam dahil madalas un nagpupunta sa bahay namin kahit madaling araw para manggulo lang or tumambay. Sobrang close kami mga mag babarkada na parang magkakapatid na kame. Yung una ngang pamangkin ni jm eh ninang ako. Kaya sobrangnagulat ako ng malaman ko na patay na sya. Dec. 23 or dec. 20 sya ata namatay.

Nung nagpunta kami sa bahay nila dahil doon sya nakaburol amg daming tao huling lamay kasi un nagkitakita kami mga tropa . Dec 26 huling lamay tanda ko ang date. Ang daming tao hindi sya tipikal na lamay na tahimik parang birthday party ang lalaki ng mga speaker na tumututog.

Sa bahay nila nagkwento si tita. Nanay ni jm. Na hindi daw malaman ng doctor kung ano ang ikinamatay ng anak nya. Pinauwi daq din cla kasi wala naman daw makitang sakit sa anak nya.
Nung gabi nanag aagaw buhay na si jm. Nagpapatay sindi daw ung ilaw sa lugar nila na parang mag bobrown out. Tapos si jm daw sigaw ng sigaw na wag daw sya kukunin anjan daw si kamatayan sa pinto nila. Ayaw nya daw sumama pero ilan minuto lang kasabay ng pag brown out namatay si jm.

Sabi pinakulam daw ng pamilya nung babae na nabuntis nya. Kasi kung makikita mo si jm doon sa picture mukhang kabayo ung mukha nya. As in mukhang kabayo. Nakalabas ung ipin pa pero ndi ganun ung itisra ni jm . Ako mismo nung nakita ko yun eh kinilabutan ako. hindi pa uso ang mga photoshop at edit noon. sabi ni tita tuwang tuwa daw si jm dahil pumayag na daw ung magulang ng nabuntis nya na mamanhikan sila pero dapat daw eh dec.27 . Hindi na natuloy dahil namatay na si jm at dec. 27 sya inilibing. Hindi nagpakita ung gf nya sa lamay ni jm.

Ang nakakapag taka doon noong nakikipag lamay kami ay nag papatay sindi ang ilaw at nagbabagsakan ung mga pinggan as in basag.
Tapos pag magkukuha kami ng picture sa kabaong ng ni jm ayaw magregister ung mga pict sa cp namin at isa pa. Sa twing kukuhaaan namin sya ng picture sa ataol laging hindi nacacapture ung mukha nya.

madaling araw pauwi na kami. May mha tropa kami na doon lang din naktira qithin the area kami naman kelangan pa sumakay ng tricycle at jeep para makauwi kami.

Pero ... ayaw ni tita na umuwi kami galing sa kanila nahiwahiwalay dapat daw samasama kami dahil sama sama kaming dumating.. no choice kami pinasakay kami sa bangka nila at tinawid namin ung kabilang pampang ng ilog . Natatakot kami kasi marami kami at luma na ang bangka di sagwan pa dagdag pa ang sobrang dilim at konti lang ang marunong lumangoy . Si tito ung nagsasagwan sa bangka at mula sa dulo ng ilog nilelente kami ni tita para kahit papano me liwanag.!

Pero maya maya sumigaw sya! Si jm kasama nyo jan sa bangka! Tilian kami mga babae.
Buti na lang malapit na sa pampang. Pagdating namin ng pampang kanya kanya kaming baba. At nag riring cp ni tito. Si tita pala nasa kabilang pampang me sinasabi.

Sabi daw ni tita nakita nya daw si jm kasama namin sa bangka nung nilelente nya daw kami. Baka daw gusto lang kami ihatid ni jm sa huling pagkakataon.

yung lang po ;)

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon