Shared Stories

4.1K 63 4
                                    

This story is from KhyrieBanna

Marami po ito ilalagay ko na lang sa isang page :)

Hi po gusto ko lang po ulit mag share ng story.. :)Nangyari lang po ito nung January 6 ng gabi..Sobrang sakit po ng puson ko nun kaya pagkatapos kong kumain ng hapunan humiga na ako sa kama namin nakatagilid yung higa ko nun.Tapos yun nakapikit lang ako nun tapos biglang nagulat ako kasi biglang may humiga sa tabi ko ramdam kong may humiga eh dahil usually naman diba pag may nahiga sa kama parang nalubog yung foam nya so yun nga nagulat ako kasi nga may humiga sa tabi ko bigla akong napatingin sa tabi ko tapos nagulat ako kasi wala akong katabi nun kung ang kapatid ko naman yun makikita ko silang tatakbo pero as in wala talaga eh hindi ko na lang pinansin yung nangyari humiga na lang ulit ako hindi ko namalayan nakatulog na pala ako..Yun lang po Thank you :)





Story po sya galing sa kapatid ko Hindi ko na tanda kung ano date yun eh .Nasa kwarto kami nun kami lang dalawa ng kapatid ko yung magkasama nun kasi yung kakambal nya nasa kusina ang daddy ko at ang kuya ko din nasa kusina so ayun nga nadun kami sa kwarto nun parehas kaming nag ce-cellphone nun sya nag f-facebook ako naman nag w-wattpad edi biglang sabi ng daddy namin "Kakain na!" Tapos nung papunta kami sa kusina nun biglang tiningnan ng kapatid ko yung orasan (yung orasan pong yun yun po yung orasan na natunog yata pag 12:o'clock di ko lang sure yung malaki pong clock eh yung clock pong yun nandun po yun sa may pinto namin bali pagkalabas ng pinto makikita mo na yun kasi katabi lang ng pinto namin yun)Napatingin ako sa kapatid ko nun sabi ko sa kanya "Huy tara na kakain na daw" sabi nya "ay oo tara" tapos nung tapos na kaming kumain papunta na ulit kaming kwarto nun ang kuya ko pumunta sa terrace namin kasi mahina ang wifi sa kwarto namin ang kakambal naman nung kasama ko kanina sa kwarto nasa terrace din ang daddy ko naman nasa kusina nag huhugas tapos sabi saakin ng kapatid ko na kasama ko ulit sa kwarto sabi nya:Sya:Ate kanina may nakatayo dyan sa may clock nung nandito tayo sa kwartoAko:Ha?nakatayo?Bakit hindi ko nakita?Sya:Kasi busy ka sa wattpad kanina kaya hindi mo nakitaAko:Ahh.Akong itsura?Sya:Hindi ko nakita muka nya pero ang suot nya parang sinauna na mga damit tapos matangkad nakatayo dyan sa may tabihan ng orasan.Ako:Weh?Seryoso ka?Nakatayo talaga dyan sa tabihan ng orasan?Sya:Oo nga hindi mo kasi kita ehAko:Ahh wag mo na lang pansininPero nasa isip ko nun gusto ko ng tumakbo palabas ng kwarto.Hindi ko na lang din pinansin yun.Thanks



Eto po yung isa ko pang story.Hindi ko alam kung anong date na yun pera matagal tagal na din sya.10:00 pa ang pasok ko nun kasi exam namin edi yun 9:00 ako naligo kasi mag rereview padin ako ng konti tapos nung patapos na ako maligo binuksan ko ng konti yung pinto ng banyo wala naman makakakita saakin kasi kami lang ng kuya ko ang tao sa bahay kasi ang daddy ko umalis ang kapatid ko naman nasa school na tapos ang kuya ko nasa kwarto tapos nung nakatingin ako sa pinto may nakita akong dumaan akala ko ang kuya ko edi hindi ko na lang pinansin tapos nung nakita ko yun saktong tapos na din akong maligo tapos nagulat ako paglabas ko ng Cr ang kuya ko nasa kwarto nya eh imposible naman na nauna sya saakin kasi wala namang ibang daan papunta sa kwarto nya kasi bago makita yung kwarto nya makikita muna yung CR parang ilang steps lang para makapunta ng cr edi nag punta muna ako sa kwarto ko nag bihis agad ang uniform ko tapos dinala ko na agad bag ko tapos nag punta ako sa kwarto nya ganto sabi ko:Me:kuya lumabas ka ba?Kuya:Hindi bakit?Me:akala ko kasi ikaw yung nakita ko kanina nung nasa banyo ako(natatakot ang boses ko nung sinasabi ko yan)Kuya:nakita mo din?Me:Ha?Kuya:Sabi ko kung nakita mo din yung dumaan dyan kanina nung nasa banyo ka?Me:Oo nakita mo din ba?Kuya:Oo matangkad diba?Me:Oo !Tapos sa isip isip ko nun imposible naman na may ibang taong naka pasok dito kasi wala naman kaming maglilinis yun atsaka wala naman dito yung kapatid ko at daddy ko wala din naman pwedeng makapasok nun dahil naka lock ang mga pinto.Pag katapos ng paguusap namin nun nag madali na agad kaming lumabas ng bahay nauna ako sa kanya makaalis ng kwarto kasi wala na naman akong kukunin pang iba kasi dala ko na ang bag ko.Yun lang :) Thank you



Hi po eto po ang story ko.Hindi ko na sasabihin kung taga saan ako Matagal na po itong nangyari pero pag naaalala ko sya natatakot pa rin ako October 30,2013 pero parang madaling araw na sya kaya November 1 na.2 floor ang bahay namin pero sa baba kami natutulog bali merong 3 kwarto sa baba,1 banyo at kitchen.Yung patatlong kwarto parang katabi lang din sya ng kitchen namin pero may harang sya.Dun kami natutulog sa patatlong kwarto(magkahiwa-hiwalay kasi yung mga kwarto eh)So ayun nga hindi ko alam pero minsan nagigising talaga ako ng madaling araw .Yung pagka gising kong yun may nakita akong tao naka-tayo sya sa harap ko unang tingin ko palang alam ko ng lalaki kasi halata dun sa buhok nung una akala ko ang daddy ko lang or kuya ko pero pagkatingin ko sa left at right ko kumpleto kami nandun yung daddy ko,yung kambal kong kapatid at kuya ko(magkaka sama kami matulog haha)Nagtaasan agad ang mga balahibo ko nun pagkatingin ko sa harap ko nandun parin yung lalaki matangkad sya pero hindi ko makita yung muka kasi madilim nun patay kasi ang mga ilaw namin sa loob ng bahay pero kita ko yung nakatayo sa harap ko kasi bukas yung ilaw sa labas ng bahay namin hindi ko alam ang gagawin ko nung nakita ko yun pinipilit ko kalbitin ang kapatid ko pero tulog talaga sila kaya ang ginawa ko natulog na lang din ako nag takip na lang ako ng kumot sa muka tapos yun nakatulog na ako. Pagkagising ko nung umaga hindi ko agad kinuwento sa mga kapatid ko kasi baka matakot sila hindi ko sinabi sa daddy ewan ko ba lung bakit.Pero nung tumagal tagal na kinuwento ko sa kanila yun sabi ng daddy ko baka isa lang daw yun sa mga nag babantay ng bahay namin sabi ng daddy ko wag ko na lang daw pansinin. Yun lang Thank you

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon