Shared Story from kokorochino

2.1K 43 2
                                    

From : 

Ate share ko lang.isa akong probinsyana.. lumuwas kami ng manila kasi andun yung kuya ko nagaaral somewhere in paranaque. May inuupahan kami apartment don malapit sa school nila, fast forward nalang..nung paguwi namin nagmoa kami tapos nung umuwi na kami sa apartment ako yung unang nakatulog.. gabi gabi bago ko matulog ay nagdadasal ako pero nung gabing yun di ako nakapagdasal. Ako yung kaunaunahang nagising samin. Mga 6 nagising ako bukas pinto ng kwarto namin ng kaunti. At dahil duwag ako kung ano ano naiisip ko na baka may nakatingin sakin na multo kaya ako nagising. Tapos nakatulog ulit ako. Nanaginip ako na may humahabol saakin at hindi ako makagalaw sa panaginip ko. Wala rin lumalabas sa bibig ko nun at natatandaan ko pa na 'papa tonyo' yung paulit ulit na sinasabi nug nanghahabol sakin. Then nagising ako. Alam kong gising ako nun pero hindi ako makagalaw. Unang nagalaw ko e yung daliri ng kamay ko tapos nagalaw ko na ulit katawan ko. Edi ayon natulog ulit ako tapos may narinig ako na tumatawa at di ako magalaw ulit. Pilit kong binabanggit yung kuya. Pero di ko masabi. Tapos ayon pinilit ko maigalaw katawan ko at nagtagumpay ako. Pero may humihila sakin pabalik sa pagtulog ko. Pilit kong minumulat mata ko nun tas nagdasal nlang ako at ayun. Nakatulog ako ng mahimbing. January 6 2016 nangyari to. Naisip ko na baka dwende yun. Yung kuya ko kasi nakaencounter na nito.Lesson learned. Dapat magdasal bago matulog kasi di mo alam may kumuha na pala ng katawan mo habang tulog ka at walang muwang ang kaluluwa mo.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon