Sanib

6.3K 157 8
                                    

Hindi ko alam kung dapat ko ba ishare itong story na ito. Totoong nangyari ito 1st time ko makakitA ng sinasaniban. Hindi ko magawang picturan o ivideo ang pangyayari dahil nahihiya na din ako sa pamilya ng sinaniban.

Pero dahil sa patuloy byo na pag babasa nito sige po ishare ko na ito sa inyo.

October 15 this year birthday ng pinsan ko at kapatid ko. May inuman. Ibahin ko na lang ang name ng mga kasama ko.

Si bry ung nagtatagay,ako,ung kapatid ko,ung asawa ko ung tita ko at marami pa kami.

Gin ang iniinum namin that time. (walang pera eh hahaha) simula sa unang bote hanggang sa pang apat si bry ang nagtatagay medyo lasing na siguro kaya tumayo na at nakipag kwentuhan na lang sya. So di ko na pinilit sabi ko timplahan nya na lang ung iinumin namin pero hindo nya tininplahan tumakas na hahhaha.

Sa bahay nila bry that time andun sya ung mga pinsannya at gf nya nagkukwentuhan pa sila kumain atska natulog na si bry.

Mga bandang 12am umuwi na din ako at iniwan na sila dahil medyo lasing na din ako.

Ako yung tipo ng tao na lagi nakasilent ang cp ko. Kaya hindi ko agad nasasagot ang mga tawag or text sa akin agad agad. Bago ako matulog ini off ko ung alarm ng cp ko dahil wala naman ako pasok kinabukasan. Mga around 1:30am nagising ako sa ring ng cp ko. Hindi ko pinansin dahil alam ko nakasilent ako pero sige pa rin ang ring. Nung kinuha ko ung cp ko un pala may tumatawag at hindi kasi ako nakasilent. Yung hipag ko tumatawag at tinatanung kung asan ako. Naki usap na sunduin ko na daw ung kapatid ko sa inuman.

Mga 2am lumabas ako ulit para sunduin ung kapatid. Pag balik ko sa inuman akala nila iinum ako ulit sabi ko hindi sunduin ko lang ung kapatid ko pero sabi nila andun umaawat my sinapian pa.

Pumunta ko sa bahay nila bry dahil sabi ng mga tambay sinasapian daw si bry. Mas lamang ung curiosity kesa sa takot kaya pumunta ako at para sunduin na din ung kapatid ko.

Grabe 1st time ko naka kita ng ganun. Hindi mo sasabihin na lasing dahil ako ung kainuman nya hindi naman basta basta malalasing sya ng ganun na lang. Nung nakita ko ung nangyayari sa kanya. Talagang kilabot ang naramdaman ko nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan at nanlaki dun ung ulo ko. Sa twing makikita ko so bry na manlilisik ang mata at ngingisi. Nakakatakot grabe.

Hindi ko maaya na umuwi ung kapatid ko dahil isa sya sa mga umaawat o nakahawak ke bry dahil nagwawala si bry 6 or 7 ang nakahawak sa kanya pero nakakapalag sya. May rosary,palito sa daliri ng paa, bible ke bry pero ganun pa rin nagwawala talaga.

Habang nanonood ako natakot ako sa nakita ko nung time na akala mo okei na si bry kalmado na sya.bigla nya tinawag ung gf nya pinapalapit nya sa kanya pag lapit nung gf nya biglanya hinablot sinabunutan nya inawat sya ulit ng mga tao. Humahalakhak lang si bry.

Kapag tinanong mo si bry ng mga oras na un. Itanong sa kanya ano pangalan nya. Ang sinasagot nya ay sya si michael.

Pinapalayas na si michael sa katawan ni bry.pero ang sagot ng katawan ni bry. Hindi ako aalis sa katawan na ito tao ang lumapit sa akin kaya hindi ako ang aalis.

Tapos lagi sya nag sisigaw na masakit ung paa nya pero walang may hawak sa paa nya may nakaipit lang na posporo.

From 2am na andun ako hindi pa rin sya natigil sa pag wawala hihinto tapos mag wawala ulit. Manlilisik ang mga tao at ngingisi ng nakakatakot.

Bigla nagdasal ung katawan ni bry ng ama namin pero hindi nya natapos. Bigla sya sumigaw ng tulungan nyo ko!
Pilit pinahahalikan sa kanya ung rosaryo that time pero nung malapit na sa bibig nya ung rosary bigla nya ito kakagatin at ngingisi ulit.

Yung may hawak sa paa ni bry napagod na ata naki usap sa akin na ako naman ang humawak wala ko magawa ako ang humawak sa paa ni bry actually sa daliri lang ng paa ni bry para wag malaglag un palito ng posporo.

Alam nyo ano pinagtataka ko nung hawak ko ung daliri nya sa paa na may posporo??

Napansin ko kasi nag wawala sya pero ung paa nya hindi nya ginagalaw nag wawala ung buong katawan nya pero ni minsan hindi nya naigalaw ung paa nya kaya kahit anong pag wawala nya hindi ako masipa or maitulak ng paa nya dahil hindi un gumagalaw.

Nung nangawit na ako naghahanap ako ngkapalit ko nag maghahawak ng paa pero walang may gusto natatakot kasi sila. Eh nangangawit na ako pinaki usapan ko ung kapatid ni bry na sya naman sa paa pumayag naman so ako tumayo lang ako at tuloy sa usyoso bigla nagsalita ung manggagamot na papa alisin nya na ng tuluyan ang nakasanib at umalis ang mga tao sa loob ng bahay na hindi malakas ang loob dahil maari na sa hindi malakas ang loob lumipat ang kaluluwa. Sa dami ng tao sa loob halos lahat nawala. Kasama ako sa natira. Hindi malakas angloob ko pero sabi ko nga mas lamang ang curiosity sa mangyayari.

Hindi nila mapaalis ang sumanib ke bry andun ung may buntot pagi na hindi pinapalo ke bry ang buntot pinapadaan lang sa paa nya pero grabe ang hiyaw nya sa sakit.

Napansin ko din na from 2am up to 4am grabe lakas nya pero nung papa umaga na nagwawala pa din pero mahina pero ayaw pa din umalis sa katawan ni bry ang espirito na sumanib sa kanya.

5am napag desisyunan na dapat sikatan ng araw si bry sa loob ng chapel dinala sya sa loob ng chapel.

Di ko na nakita kung paano sumuka si bry ng kulay itim daw sa loob ng chapel.

Nung nawala na ung sanib ke bry hindi.nya alam kung anu ang nangyari sa kanya ang alamnya lang daw eh tulog sya.

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon