Tulay bitin

9.9K 202 15
                                    

May napuntahan ako lugar sa cavite. Na kung tawagin nila ay tulay bitin..

Anong meron sa tulay na ito...?!?
Anong kwento ang bumabalot sa tulay na ito?

Mga nakainom na kami sa birthday na napuntahan namin ng magkakayayaan sa tulay bitin..

Hapon ng mapunta na kami sa tulay mga 5pm siguro un. Nilakad lang namin papunta dun sa tulay.

Ewan ko pero yung mga tao na nadadaanan namin ay naka tingin sa amin siguro dahil mga bagong mukha kame sa lugar o dahil ang iingay namin.

Lahat sila nakasunod lang ng tingi sa amin lalo ng ng pumasok kame sa eskinita papunta sa tulay bitin.

Ang daming pulang langgam sa tulay at sa hagdan paakyat ng tulay pero walang makakapigil tumulay pa rin kami.

Kung tititgan mo bihira na sya daanana ng tao dahil luma na ang tulay at hindi na kumpleto ung tali ng tulay. My mgga kulang na din kahoy kaya medyo delikado na. Umulan pa naman ng hapon na iyon kaya madulas din ang tulay. Sa ilalim ng tulay ay sapa.

Nung una naka tingin lang aq sa mga kasama ko na tumutulay taga kuha lang aq ng picture sa kanila. Pero naaya din ako tumulay. Kahit mdyo natatakot ako. Sumama aq sa kanila. Talagang inuuga nila yung tulay naisip ko paano pag bumagsak ang tulay? Aksidente pa inabot namin kung sakali pero ayaw paawat ang kukulit na palibhasa mga lasing na kasi...

Sa dulo ng tulay...

Gubat at sa bandang gitna may patay na sapa. Ang daming isda na patay. Nakakatakot ung lugar.. ang tahimik. Kahit kami natahimik. Para kaming naka lutang tapos ako ewan ko pag tingin q sa tulay na dinaanan namin parang unti unti nawawala ung tulay.. ewan ko kung nakainum aq kaya ganun ung nakikita. Wala nga nagtangka sa amin na mag picture . Pagtingin ko sa cp q. Walang signal at ang gulat q sa cp ko ay 7:30pm na,? Eh parang last na tingin q sa cp bgo kami pumasok ng gubat eh mga 530 pa lang? Dun na ako nagsalita. Sabi q gbi na pala 7:30 na? PEro maliwanag pa sa gubat nung oras na yun. Nagulat sila tama nga gabi nag pasya kami bumalik na.

Nung nasa tulay na kami tahimik ang lahat parang ang haba ng tulay na nilalakad namin?? Kanina walang isang minuto nakatawid kami pero ngaun? 3 minutes na di pa kami nakakatawid ng tulay. ..

Pag baba namin ng tulay kanya kanya kaming takbuhan palabas ng eskinita. Di namin alam bakit ganun kami katagal sa gubat pero alam namin na minuto lang kami andun.

Pag labas namin ng eskinita hinahanap na pala kami at bakit daw ang tagal namin....



Bibitinin ko muna kayo.. yan po muna sa next chapter po yung ibang kwento ng tulay..

Actual picture po ng tulay ung nakapost...

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon