humihingi ng dasal

2.4K 36 2
                                    

Habang nag iinuman kami kahapon na ishare ko nga sa inuman namin ung naexperience ko sa bahay namin noong panahon na nasa hospital ang daddy ko.

Dahil rest day ko nasa bahay lang ako. Kahit rest day ko kasi kung matulog ako umaga na. As in gising talaga ako sa gabi dahil pang gabi ung work ko at nakasanayan ko na din.

3rd floor ung bhay namin. Sa s2nd floor nakatira ung parents ko at bunso ko na kapatid. Kami nman sa 3rd floor.

I think sunday morning na un mga around 2am na sya nagbabasa ako ng wattpad ng may narinig ako na umiiyak. Hindi ko lang maidentify kung iyak ng babae o lalaki pero naririnig ko tlga may umiiyak. Wala naman di ko naman gaano inintindi nung una. Pero nung yung iyak parang nasa malapit lang sa akin. Ginising ko ung asawa ko sabi ko "hon,may umiiyak. Tignan mo nga c andy sa baba baka umiiyak o nanaginip. " sabi ng asawa ko wala naman daw sya naririnig.
Pero may naririnig ako para makasigurado bumababa sya pinakinggan nya kung umiiyak ung kapatid ko nanasa second floor.

Umakyat na ulit sa room namin ung asawa ko at wala naman daw umiiyak.

Yung kapatid ko nga pala is 12y.o na at sya lang mag isa na nasa 2nd floor dahil nasa hospital ang parents ko. Ayaw ng kapatid ko sa room namin mas gusto nya dun sa kanila kahit mag isa sya.

Balik tau sa kwento.

Yun nga wala naman daw umiiyak so hinayaan ko na lng baka guni guni ko lang o nadadala lang ako sa binabasa ko. Pero eto na.. nung tulog na ung asawa ko narinig ko naman. Yung iyak nya nasa malapit lng. Hinayaan ko na lang napansin ko na tumigil ang iyak nung mga bandang mag 4am na.

Naikwento ko ito sa tita ko. Ang sabi nya may humihingi daw ng dasal sa akin.

Date created ; 01-25-2016
@shendrea30

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon