ang bata

2.5K 37 2
                                    

Kung nabasa nya na ung NHO na part makakarelate kayo dito.

Friday nung naexperience ng asawa ko ito.

Meron nga sabi sabi sa office na may nagpapakita sa building na yun. Hindi naman matatakutin c husband kaya okay lang.

Eto ang kwento nya.

Galing daw sya sa building namin para silipin ako sa baka daw kasi nasa smoking area ako. Break time nya that time.

Pero nung nakita nya na wala ako bumalik na sya sa building nila. Dalawa lang sila nasa training room nung oras na yun dahil ung iba on break pa.

Kita kitang nya daw sa labas ng pinto ng training na room na may dumaan na bata. Hindi nya pinansin at hindi sya kumibo hindi nya din sinasabi sa kasama nya sa training room.

Nung kumpleto na sila sa training room. May na open up na kasamahan nya may nakita daw sya na bata na naglalakad kanina sa hallway. Natakot na un mga kasamahan nya.

Hindi na nya na plano naikwento ung nakita nya.

Iisa lang ang sigurado nya. Ang nakita nya na bata at ng kasamahan nya ay iisa lang..

Dahil ang nakita ng kasamahan nya ay bata babae na naka jumper at may dala na elephant toy. Ganoon din ung bata na nakita nya.

Hindi maiiwasan na makaramdam o may magpakita talaga.. dahil ung oras ng work namin ay tinatamaan ang devil hour.

Kaya ako kapag around 2am to 3am at wala ng tao sa cr di na ako tumutuloy... ayoko ng may maramdaman pa doon.

Shift namin sa work. Si hubby 11pm to 8am ako naman 7pm to 4am..

Date created ; 01-25-2016
@shendrea 30™

ANDENG'S tagalog horror stories! ( true and shared stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon