Chapter 92: Thank You

Start from the beginning
                                    

Ilang minuto pa ang lumipas at ako ay nagsisimula nang ma-boring sa katititig sa kisame. Di na naman ako inaantok eh at gusto ko namang makatayo at maglakad-lakad.

I remove the sheets off me sabay umupo. Nahilo ako ng konti na para bang may short hangover pero saglit lang. Nakita kong iba na pala ang suot ko kesa sa last na natatandaan ko. P-Pinalitan nila ako ng damit?! Ayoko Pa namang may nakakakita ng other parts of my body kahit na ibang tao man yan o spirit, close ko man o hindi, it’s a NO. Pero ano pa bang magagawa ko? Tapos na eh…

Nilapat ko ng dahan-dahan sa malamig na sahig ang aking mga paa at utay-utay na tumayo baka maghangover nanaman ako. Malapit sa paanan ng kama, may nakita akong pambahay na tsinelas kaya sinuot ko muna iyon at nagsimulang maglakad-lakad.

“Ano kayang gagawin ko? Puntahan ko kaya sila?” tanong ko na pabulong sa sarili ko habang binabaybay ang patungong bintana. Pagdungaw ko ay nakita ko ang isang magandang garden na puno ng halaman, may mangilan-ngilan din akong nakikitang tao/spirits sa ibaba at naglilinis. Pero ang boring tumunganga lang dito. Kapag pinuntahan ko namna sina Ella baka nasa isang pulong pa sila, ‘urgent’ daw ‘yon eh. I guess short exploring muna ang gagwin ko pampalipas ng oras.

Paglabas ko palang ng aking silid ay walang kahit na anong ingay o kaluskos ang aking narinig na para bang walang katao-tao sa buong palapag na ito ng mansion. Nagsimula akong maglakad ng diretso sa hallway habang tinitingnan ang mga paintings na nakasabit sa pader at ang mga mukhang mamahaling chineese vases na naka display at may mga bulaklak. Naalala ko tuloy yung mansion. Ano na kayang nangyari sa mga tao don?

Sa dulo ng hallway may nakita akong isang paliko papuntang kaliwa. Nang makalapit ako roon ay-

“Ay kabayo!” gulat kong nasabi sa biglang lumitaw sa kung saan papunta sa harapan ko. Pagtingala ko ang bumungad sakin ay walang iba kundi si Gray Head na puros galos at bandage ang katawan, di naman lahat na mapapagmukhaan mo na syang walking mummy.

Ngumisi sya bigla. “Mukha bang kabayo ang itsurang ‘to, sweet cake?” sabay turo nya ng isang kamay sa pagmumukha nya.

“Tawagin mo pa ‘kong sweet cake, Masmalala pa sa mukha ng kabayo ang gagawin ko dyan sa mukha mo!”

“Ouch!” sabay nag-emote sya na para bang malungkot. “Ang tapang mo naman… Bugbog sarado na nga ako sa dami kong nakalaban, tapos gugulpihin mo pa ako?” sabay nag-puppy eyes nanaman sya na paawa style.

I just raised my eyebrow at him looking serious. “Di ba dapat nagpapahinga ka?” tanong ko.

“Have you been worried about me?” tanong niya sabay humakbang pa palapit sakin. My body heated up, but I don’t know why. Pinagpapawisan ako na parang di naman. Gusto kong umimik at magsalita pero walang pumapasok sa isipan ko na pwede kong masabi. “Uy… nag-aalala sya…”

“Ulol mo! Bahala ka nga.” sabay tumalikod ako at akmang aalis na sana pabalik pero tinawag niya ako. “Oh. Bakit? Mang-aasar ka nanaman?” hinarap ko siyang nakacross arms.

“Pwedeng patulong?”

“Saan?”

“Gusto ko na kasing palitan ‘tong benda ko sa braso pero nahihirapan ako.”

“Wala bang nurse dito o di kaya ‘healers’ kung tawagin nyo na nag-aasikaso sa mga injured? At saka may isang kamay ka pa naman ah.”

“Lahat sila nasa meeting pa at ‘tong isa kong kamay injured din oh.” sabay pinakita pa nya sakin yung kaliwang kamay niya na may balot ng benda at may marka pa ng dugo. Ouch. Di kaya masakit yon? “How would you expect me to treat myself?”

“Argh…” with a not so heavy heart… tinanggap ko. “ Sige na nga, akin na.”

“Not here. Don sa kwarto ko, andon yung pamalit.” sabi nya sabay nagsimulang maglakad ahead, sumunod nalang naman ako ng tahimik, shifting my attention into other things.

Sa dulo ng palikong ‘yon ay tinulak niya pabukas ang isang malaking pinto sabay una niya akong pinapasok. Bumungad sakin ang mataas na kisame, walls painted in white mixed with dirty white natalaga namang kinarir nila, wooden furnitures, at may parang mini sala pa sa kabilang dulo ng kwarto na may flat screen TV. Not so bad after all. Malinis din naman.

“Hey. Tatayo ka lang ba dyan?” Napalingon ako pabalik don kay Gray Head, now sitting on his bed habang naka-aro sa direksyon ko yung pamalit sa maduming bandage nya. Huminga ako ng malalim at nilapitan sya. Nang makalapit ako ay tinap nya yung side na nasa harapan nya, don daw ako maupo.

“I’m fine stan-” pero bago pa ako makatapos ng sasabihin ko ay hinila na niya ako paupo, nilagay sa kamay ko yung malinis na benda sabay inaro yung braso nya. Tinaasan ko ulit sya ng kilay pero minabuting di na umimik pa at sinimulan ang pagtatanggal nong maduming bandage. Nang tuluyan ko itong maalis ay nilagay ko ito don sa stainless na palangganita sabay kinuha yung mga panglinis nila ng sugat na nakalatag din sa mesang malapit sakin. Dahan-dahan at maingat kong nilinis 'yon mahabang sugat na umabot mismo malapit sa ibabang siko nya. Siguro sobrang sakit nito...

"You look serious, at bakit parang nanahimik ka?

"I'm concentrating kaya wag mo 'kong estorbohin."

Hindi na siya nagsalita pa, pero ramdam kong nakatingin siya sa ginagawa ko,... At sa 'kin. Ang tanong ko naman sa sarili ko, why the hell? Pwede namang sa ibang bagay di ba?

"Salamat nga pala." pabulong kong sabi.

"Hah? Pwede paki-ulit?"

"Nabingi ka na rin ba?"

"Ang hina kasi."

"Haayyy... ang sabi ko, salamat."

"Para san?"

"Sa 'alam mo na'."

"Ano yung 'alam ko na'?"

"Ay! Basta!"

"Ano nga?"

"Wala."

"Ano?"

"Isa pa sasalpakan ko ng bulak 'tong sugat mo!"

"Ito naman oh ang hot headed. Your welcome na nga sweet cake. ARAY!"

"Sabi na't wag mo 'kong tatawaging ganon!" sabay napatingin ako sa kaniya. Mukhang nasaktan talaga sya sa ginawa ko! Oh my–! Hindi ko naman sinasadya na maging ganon kadiin! Pasaway kasi sya eh! Kasalanan din nya yon. "Sorry! Sorry na!"

"Hindi pa nagiging tayo ang sakit na ng nararamdaman ko." pabulong niyang nag-eemote dahilan ng mag-init muli ang dugo ko at hinampas naman ng mahina pero malapit don sa sugat nya bilang ganti.

"ARAY!"

"Ooppss! Saw rey, sinasadya ko lang!"

"Baka lumaki pa 'yang sugat ko eh!"

Sana nga!

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now