Chapter 90: On the Face of Death 2

Start from the beginning
                                    

Pero bago pa lang ako makahakbang sa pwesto ko ay biglang yumanig yong lupang kinatatayuan ko na para bang may nag landing na isang malaking dinosaur sa labas. Except that it wasn't a dinosaur, it was a really big armoured wolf!!!

Madali akong nagtago sa kalapit na counter sabay dumungaw ng konti sa glass window na nasa unahan ng shop. Nakita kong parang palingon-ligon ito at may inaamoy hanggang sa biglang lumingon sa direksyon ko. Madali kong itinago muli yung ulo ko at huminga ng malalim to calm myself down. Naghintay ako ng susunod na mangyayari pero wala na akong napakinggan.

Sumilip ulit ako pero wala na don yung wolf.

*bell rings*

Nagulat naman ako nung nag ring bigla yung bell na nakasabit sa taas ng pinto ng shop nung bumukas ito at pumasok si... Azcar. Hindi kaya alam nya na naririto ako?! I need to grab something for my defense. Sa may isang sulok may nakita akong bakal na stick. Yumuko ako at inabot ko iyon pero nagulat nang biglang magsalit si Azcar.

"Akala mo ba di kita nararamdaman?" sabi nya. I tighten my grip on the pole. "Walang magagawa ang pagtatago mo..." hindi pa rin ako umiimik. "Lumabas ka na... May sasabihin lang ako." no way! Idiot! I remained silent and alert. "Sa tingin mo ba darating pa sya? O ni-isa sa mga inaasahan mong tutulong sayo?" nararamdaman kong humahakbang sya papasok sa loob ng tindahan. "Lumabas ka na Axelle. You can't hide forever." I didn't move an inch. "Fine. You're wasting my patience. Pero ayos lang... Isa lang naman kasi ang kahihinatnan nito." sabay bigla nalang nyang hinampas ng malakas yung ibabaw ng counter kung saan sa ilalim non ako nagtatago. He knows! "Alam mo ba kung anong pakay ko dito?" tanong nya. Bakit di kasi sya mamatay-matay! Pagtingin ko sa may bandang itaas ay nakita ko ang kamay nya na naka dungaw. "I've given strict order, to KILL you!" pagkatapos nyang banggitin iyon ay niyupi niya pataas yung stainless steel na taas ng counter revealing me. Pero bago pa niya ako nahawakan ay tumakbo na agad ako at umalis sa aking pwesto. Pero di ako ganon kadaling makakalabas dito. Kailangan ko muna siyang malagpasan bago makalabas, nasa likuran kasi nya ang pinto at bintana. I backed away as my back hit the wall. He smiled devilishly.

"What are you gonna do now?" tanong pa niya.

I don't need to fight him, I just need to get pass him. "Ako mismo ang kakarne sayo!" sabi ko sabay hinanda yung steel pole na para bang espada.

He laughs. At humakbang palapit sakin. Sumugod naman ako at akmanghahampasin sana siya ng tubo nang masalo niya ito sa ere. Buti nalang ay maalam ako ng tae kwon do and I will not hesitate to use it against him!

Pero di pa man ako nakakaatakeng muli nang sa isang iglap ay napatalsik niya yung tubo at tinulak ako ng napakalakas papunta sa mga shelf ng pagkain. I hit the shelf and it hurts! So ganito pala ang feeling kapag tinotoo mo yung action sa isang movie. Pero this is not a movie, real life 'to!

Nahirapan akong tumayo dahil sa biglaang sakit at di pa pala sya tapos don. Like he somewhat teleported in front of me sabay hinawakan nya yung leeg ko ng mahigpit, lifting me up. Nagsimula na akong maghabol ng aking hininga sabay medyo nanlalabo na rin ang paningin ko habang hinihigpitan pa niya ang pagsakal sakin.

Nang walang ano-ano ay may biglang tumama sa kaniyang ice blast sending him off and letting me go. He slams hard on the other side of the store knocking down stacks of canned foods.

Paglingon ko naman sa labas ay nakita ko si Jessica at Ella.

"Akala namin huli na kami!" boses ni Ella sa isip ko. So kaya pala nyang mag-telecommunicate.

At biglang nag-appear si Jessica sa tabi ko. Teleport? Ability rin nya yon?

"Tara." sabi nya sabay hahawak na sana ako nang biglang sunggaban ng wolf form ni Azcar kaming dalawa then si Jessica. Ella came to the rescue at sinabihang tumakbo na daw ako palayo dahil sila na ang bahala kay Azcar.

I can't.

"Tumakbo ka na Axelle. We got this!" utos ni Ella habang pinipigilang makawala si Azcar sa pagkakagapos sa latigo nya.

"Kapag napahamak ka magagalit samin si Grei." dagdag pa ni Jessica.

"I don't care! I can fight and I want to help!" sabi ko then nawasak ni Azcar yung yelong ginawa ni Jessica palibot sa kaniya at nakawala sa pagkakagapos ni Ella. Sabay inatake silang dalawa. Ella was sent off hitting the wall while Jessica hit and broke the window glass.

Kinuha ko yung palaso at arrow na nabitawan ni Jessica sabay pinatamaan ko si Azcar sa may bandang likuran. It hit him! Pero yon di ang dahiln na makuha ko ang attention nya.

Now what?

Biglang lumitaw ulit yong latigo ni Ella at pinuluputan si Azcar.

"Axelle! Run! Now!" utos ni Ella mentally.

Then I did what I was told to do. Hindi ko alam pero parang ang buong attention ni Azcar ngayon ay nasa 'kin na. So I didn't hesitate. Bakit naman nya ako gustong patayin!

Pero di pa man ako nakakalayo ay bigla nalang siyang tumalon at nag land sa harapan ko.

"There's no point of running away!" sabay dinali niya ako ng kaniyang buntot ng napakalakas sending me off the ground towards the other side of the road.

Then, utay-utay nang kinakain ng kadiliman ang paningin ko. Pero bago ako mawalan ng malay nakita kong natamaan si Azcar ng isang napaka-lakas na electric shock sabay nakita kong nagteleport si Gray Head sa may pagitan namin kanina, he was glowing and electricity sorrounds him. Lastly, bago pa talaga ako tuluyang napapikit, nakita kong yung mga mata nya ay kulay electric blue...

Spirit Knights: Rise Of The Dark Era (Book 1) [DRAFT VERSION]Where stories live. Discover now