Chapter 37 Manugang

3.3K 40 26
                                    

<Shielyn>

"Ma!" Ungot ni Kier sa kanyang ina.

"Fiero, Hijo. Na-miss ka ni mama." His mom kissed him on his left cheek.

"Bakit ngayon ka lang dumalaw dito, huh?! Alam mo naman na wala akong kasama dito sa bahay at ikaw na lang ang nag-iisang anak ko hindi mo pa ako pinupuntahan." May bahid ng pagtatampo na sabi ng kanyang ina.

Niluwagan ni Kier ang kanyang necktie. Sumandali lang siya sa kumpanya at nagtungo dito sa bahay para kausapin ang kanyang ina.

"What did you do?" Pagod na tanong ni Kier at umupo sa couch.

"Layla." Tawag niya sa pinsan niya.

"Anong ginawa ko?" Walang idea na tanong ng kanyang ina.

Hindi niya pinansin ang tanong ng kanyang ina. "Layla!" Tumaas na ang boses ni Kier.

"Nag-away na naman kayo ng asawa mo?" Tanong ng kanyang ina at hinubad ang suot niyang coat, "kilala kita, hindi ka pupunta dito nang walang dahilan. Hiwalayan mo na siya anak, hindi na healthy ang nangyayari sa inyo. May ipapakilala ako sa'yo."

Hindi niya pinansin ang sinabi ng kanyang ina, "Layla!" Lalong tumaas ang boses niya, at sa boses niya ay wala na siya sa mood.

"Where the fuck is Layla?!" Inis na tanong niya sa kanyang ina habang nakakunot noo.

"Kumalma ka ngang bata ka!" Sermon ng kanyang ina sa kanya.

"Layla!" Mas lalo niyang nilakasan ang kanyang boses.

"Ano?" Tinatamad na tanong ni Layla. She's fixing her eyebrow habang papalapit sa kanila.

"Make me a tea." Demand sa kanya ni Kier.

"May katulong naman! Bakit ako ang inuutusan mo?" Inis na tanong ni Layla. She even rolled her eyes in the air.

Nakakamatay na tinignan siya ni Kier.

"Sabi ko nga! Ilan ang gusto mong tea? Sampong cup ba?!" Sarkasmong tanong niya at padabog na pumasok sa kusina.

"Mukha ba akong maid?!" Bulong ni Layla sa kanyang sarili.

"Masyado mo ng kinakawawa ang pinsan mo." Komento ng kanyang ina habang nakatingin sa pinto na pinasukan ni, Layla. Pinagsabihan na niya si Kier na huwag ganu'n tratuhin ang kanyang pinsan pero hindi talaga ito nakikinig sa kanya.

"What did you do, ma?" Medyo kalmado na tanong ni Kier.

"Nagdilig ako ng halaman at saka nagluto, mag be-bake ako. Bakit?"

Malalim na bumuntong hininga si Kier at napahilot sa kanyang sentido.

"Ma! Bakit mo sinugod ang nanay ni Shielyn?!" Frustrated na tanong niya, "what did you told her?"

Napahinto ang kanyang ina dahil sa kanyang sinabi.

"Aba, inaaway ka niya! Hindi ako papayag na gaganunin ka niya!" May inis pa rin ang kanyang ina.

"Kahit na! Hindi mo dapat ginawa iyon, at ano na naman niyan ang sinabi mo sa kanya!" Galit na sabi niya.

"Ikaw ah! Nagpakasal ka lang, ako na ang pinag-iinitan mo! At saka, nanay mo ako! Ako dapat ang pinagtatanggol mo." Masama na loob na sabi nito sa kanya.

"I know you're concerned about my marriage but you shouldn't meddle! Ma, gumagawa ka ng away. I told you to stay away from my marriage!" Hindi na mapigilan ni Kier ang sarili na pagtaasan ito ng boses.

His mother was shocked when he raise his voice at her.

"Kinasal ka lang ganyan mo na ako tratuhin. Sino ba ang mas kinakampihan mo, huh?! Ang asawa mo palagi ka na lang inaaway?! At ang nanay niyang pinagtatanggol ang anak niya kahit na mali siya?! Nagmana nga sa ina! Parehas na pinaglalaban ang mali!" Bulong ng kanyang ina sa huling sinabi nito.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon