Chapter 62 Agglutinant

55 0 0
                                    




<Shielyn>

Simula nang umuwi kami ay hindi na niya ako nilulubayan.

"Good evening Ma'am," bati sa akin ng isang lalaki na nakita ko na nagluluto sa kusina.

Pinunasan ko ang mga natitirang luha sa pisngi ko.

Mahimbing pa rin ang tulog ni Ken at mabuti na lang nakawala ako sa yakap niya. Hindi man lang siya nagising sa iyak ko at paggising ko sa kanya.

"By the way, ako nga po pala ang chef niyo. Ngayon mo lang po ako nakita, hehe," nahihiyang sabi niya sa akin.

Ilang ako sa tao.

Tinignan ko ang niluluto niya at ang sarap ng amoy.

"Ano po ang niluluto mo?" Tanong ko sa kanya at tinignan.

"Steak po Ma'am," sagot naman niya sa akin.

"Meron na po akong naluto baka gutom ka na po. Patapos na din po ako niyan at pauwi na," sabi niya kahit na hindi ako nagtatanong.

"Ay wait, ikukuha po kita ng plato," he added.

"Ngayon lang kita nakita sa bahay na ito ma'am," panimula niya.

Ako din, ngayon ko lang siya nakita.

"Ikaw ba ang naguluto sa mga pagkain dito sa bahay? Bakit hindi kita nadadatnan na nagluluto?" Usisa ko at tinikman ang mga niluto niya. Kumuha ako ng madami dahil gutom na talaga ako.

"Maaga po kasi ako pumupunta dito at tulog po kayo ni sir. Hanggang lunch po ang inuutusan ni sir ang iluluto ko, at kung minsan naman ay niluluto ko na din po ang dinner niyong dalawa."

Ang sarap, or gutom lang ako?

Tumingin ako sa mga niluto niya at ang dami.

"After ko po kasi magluto ay umaalis na ako,"

Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain ko.

"Ma'am tubig po," offer niya sa akin ng tubig. Napansin niya siguro na sunod-sunod ang pagkain ko

"Salamat po," nahihiyang sabi ko.

"By the way, ilang taon ka na po ba?" Tanong niya sa akin.

"Twenty-seven po,"

"Ay, kasing edad mo po ang anak ko na babae,"

Napatingin ako sa kanya. May katandaan na din kasi siya.

"Kaya lang patay na siya. Hindi ko man lang siya nakita, pagkapanganak kasi sa kanya ay namatay na siya. Sabi naman ng asawa ko ay inilibang kaagad siya. Nasa trabaho ako noon ma'am," malungkot na kwento niya.

"Ilan po ba ang anak mo?" Usisa ko.

"Isa po. Kaso namatay din," ngumiti siya sa akin pagkasabi niya iyon.

"Sa tingin ko parehas kayong maganda ng anak ko kung nabubuhay pa siya."

Ngumiti lang siya sa akin.

"Wife!"

Napapitlag ako sa lakas ng sigaw na iyon.

"Wife!"

Napapikit ako ng mahigpit.

Bakit ba siya sumisigaw?

"Galit po yata si sir," sabi ni chef.

"I'm here in the kitchen," ganting sigaw ko.

Narinig ko ang mga yapak ni Ken at sumalubong sa akin ang galit niyang mukha habang nakakunot ang noo niya.

Mukhang hindi maganda ang gising niya.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now