Chapter 33 Stolen Company

2.3K 30 1
                                    

<Shielyn>

Hapon na at tulog na tulog pa rin si Kier. Sinusubukan ko na umalis sa pagkakahinga pero nagigising lang siya.

Naiihi na ako.

Sobrang taas na ng sikat ng araw at ang sarap pa rin ng tulog niya.

Sa benteng pagkakataon na subukan na humiwalay sa pagkakayakap niya sa akin ay doon pa lang ako nagtagumpay.

I stretch my muscles.

Pagkatapos ko mag CR ay muli ko siyang tinignan at napahinga ako ng malalim na hindi siya nagising.

Hindi ko alam na meron siyang insomnia. Kaya pala madalas siyang gising buong gabi. Akala ko nagbabantay siya ng mga magnanakaw sa bahay kaya siya gising.

Pumunta akong kusina at sinubukan kong magluto. Pagbalik ko sa kwarto ay gising na siya.

"Ken?" Tawag ko sa kanya. Gising na ba siya?

"Where the hell have you been?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

"Nagluto lang ako. Gutom ka na ba? Gusto mong kumain na muna? Hapon na kasi." Imporma ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya.

"How many hours have I've sleep?" Seryosong tanong niya sa akin.

"Buong gabi at ngayon ka lang nagising. Ikaw na ang magbilang sa oras, ah." Sagot ko sa kanya. Hindi ko naman alam kung ilang oras iyon.

"What did you cook?" Tanong niya habang pababa ng kama.

Sabay kaming pumunta sa kusina.

"Huwag kang magrereklamo kung hindi masarap, ah." Hindi ako proud sa niluto ko.

"As long as nakakakain hindi ako magrereklamo." Sabi niya at umupo sa upuan.

Pag se-serve ko siya?

Ako na ang naghanda sa pagkain at tahimik lang kaming kumain.

Tahimik lang siyang kumain at wala man lang comment. Hindi ko alam kung masarap 'yung niluto ko or hindi.

"Masarap ba?" Mahina kong tanong.

Tumingin siya sa akin at tumango lang.

Ang sweet talaga ng lalaking ito. Ang pagkakaalam ko dapat bobolahin niya na masarap ang niluto ko. Kasi ganu'n sa mga nobela na nababasa ko. Sinasabi ng lalaki na masarap ang niluto ng asawa niya kahit na nakakasuka naman 'yung lasa.

Hindi na ako nagtanong pa at kumain na lang.

Bakit ba ang tahimik niya?

Pagkatapos niyang kumain ay naligo siya.

"Wait for me in the evening. I'll just meet someone." Paalam niya sa akin at hinalikan niya ako sa labi bago siya umalis.

Pagka-alis niya ay nalungkot ako dahil ang lamig niya.

Napagdisisyunan ko na makipag kita kay Yvlaine.

"O, ano naghiwalay na kayo?" Bungad sa akin ni Yvlaine pagka upo niya sa harapan ko.

Ang tagal niyang dumating.

"Kanina pa kita hinihintay." Almost dalawang oras ko siya hinintay. Nakadalawang order na ako ng juice. Mauubos na ang pera ko kakahintay sa kanya.

"Ay sorry, late na din naman ako kaya sinulit ko na."

Nag order muna siya bago kami mag-usap.

"Ano ang problema mo, teh? Bakit ang lungkot mo?"

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon