Chapter 19 Step Closer

3.8K 54 2
                                    

"Ma'am ano po ang nangyari sa inyo?" Tanong sa akin ng driver namin.

Hindi ako sumagot at pumasok sa loob ng kotse at pigil na pigil pa rin ako sa iyak ko.

The driver started the engine at ramdam ko na nakatingin siya sa akin from the mirror.

"Ma'am tumatawag po si sir." Sabi sa akin ng driver.

Hindi ko na mapigilan na mapahikbi. xvxvxvxv

"Please. Don't te-tell him about this." I shuttered.

Sinagot niya ang tawag.

"Yes sir, magkasama po sila. Nasa loob pa rin po silang dalawa." Dinig ko na sabi niya.

Sandali lang silang nag-usap.

"Ma'am, nasaan po si miss Layla?" Alanganin na tanong niya sa akin.

Hindi na ako sumagot at sinenyasan ko siya na mag drive na.

Nakatulala lang ako buong biyahe at hindi ko namalayan na nasa bahay na kami kung hindi lang sinabi sa akin nang driver.

Lumabas na ako ng sasakyan at nagpalit ng natawa. Natatawa ako sa sarili ko, habang nagpapalit ako ng damit umiiyak ako.

Ken nasaan ka na ba?

Nagpalit lang ako ng damit at nagpahatid kay kuya driver sa isang lugar. Umiiyak lang ako habang nasa biyahe.

He's all I need right now.

"Diyan na lang po sa ta-tabi." Sabi ko kay Kuya driver habang umiiyak ako.

Hindi naman masakit. Maybe I should learn to stand on my own.

Nag-aalinlangan pa siya kung ititigil niya ang sasakyan o hindi pero itinigil niya rin sa isang tabi.

"Ma'am!" Malakas na tawag niya nang mabilis akong lumabas ng kotse.

Nakayuko lang ako habang naglalakad.

Nasaan na ba siya? Alam ko dito ko lang makikita ang lalaking iyon.

Hindi ko siya makita dahil sa dami ng tao.

Nanlalabo na ang paningin ko.

"Hey, bakit ka umiiyak?" My world stops when I heard that voice. The person I need is here right now.

Sa tuwing kailangan ko siya hindi niya ako binibigo.

Pinunasan ko ang mata at pisngi ko para makita ko siya ng malinaw.

"Anyare sa'yo, bhe?"

Niyakap ko siya ng mahigpit at mas lalong umiyak. Napahagulgol na ako sa iyak.

Siya na lang ang gugustuhin ko.

"Sir, nandito po kami ni ma'am Shie sa parang park na lugar. Parang festival. Nagpahatid po siya dito. Kanina po kasama ko siya noong tumawag ka kaso ayaw naman po niya pasabi na magkasama at saka hindi po niya kasama si miss Layla. Tapos sir, umiiyak at may mantsa ng kape ang damit niya. Pakiramdam ko binully niya sa loob."

Sumbong ng driver kay Ken gamit ang voice message. Hindi niya kasi ito matawagan kaya mag-iiwan na lang siya ng voice message.

Ganito lang ang trabaho niya sa boss niya. Maging driver ng asawa niya at mag report tungkol dito.

"SINO ang nang-away sa'yo, huh? Babatuhin ko ng tinapay." Nakayakap pa rin ako sa kanya.

Naramdaman ko na hinihimas niya ang likod ko para pakalmahin ako.

"Hay, para kang bata kung umiyak." Malambing na sabi niya. Sinubukan niya akong ipaharap sa kanya ngunit mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Broken hearted ka ba?" Naramdaman ko na niyakap niya rin ako.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon