Chapter 49 Lu Han

84 1 0
                                    




<Shielyn>

"Shielyn!" Dinig kong sigaw sa pangalan ko ni mommy. Ano ang kailangan niya sa akin?

"Shielyn! Halika ka nga rito!" Nagmadali akong lumapit sa kanya kahit hindi pa ako tapos sa ginagawa ko. Inutusan niya akong tulungan ang mga kasambahay na linisin ang kusina dahil ako naman daw ang may kasalanan sa nangyari, at para may pakinabang naman daw ako.

Mas gusto ko na lang umuwi sa bahay ni Ken kesa sa ganito. Ang hirap pakisamahan ng magulang niya. Mabuti na lang meron kaming sariling bahay ni Ken, paano na lang kaya kung nakatira kami dito kasama ang nanay niya? Paniguradong araw-araw niya akong pahihirapan.

"Ano po iyon mama?" Mahinang tanong ko sa kanya.

Napatingin ako kay Lu Han na bahagyang nakangisi at iba din ang tingin niya habang nakahalukipkip.

Ang kapal ng pagkakalagay ng pula niyang lipstick at pula din ang suot niyang mataas na takong habang naka dekuwatro siya at naka cross ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Isama pa ang kanyang ina na ang arte ng pagkakahawak sa taro ng tsaa. Mag nanay nga silang dalawa. Ang isa mukhang matandang mangkukulam habang ang anak naman ay mukhang kontrabida na walang pera. Feeling madami silang pera.

"Hi!" Napatingin ako sa nagsalita mula sa likuran ko.

Si Quintos.

Nandito pa rin siya?

Iniwan ko kasi siya ng inutusan ako ni mama na tumulong sa paglilinis sa kusina.

"Mare, heto nga pala ang pangalawan anak ko si Quintos." Pagpapakilala ni Jin Han sa pangalang anak na ngayon ay nakatayo sa tabi ko.

"Hello Mrs. Saltzman!" Nakipag kamayan si Quintos at tinaggap naman iyon ng isa.

"Aba ang gwapo naman ng anak mong lalaki parang bagay kayong dalawa!" Tinulak ako ni mama kay Quintos at itong katabi ko ay inakbayan ako.

"Talaga ba tita?" Nagliwanag ang mukha niya.

"Oo nga! Tignan mo nga. Lapit ka pa sa kanya Shielyn." Mas inilapit nila kami sa isa't isa. "See, bagay talaga!" Pumalakpak pa si mama.

Bakit ba niya ako pinagtutulakan sa iba?

"Hmm, kaso mukhang na kasal na siya." Napatingin ako kay Quintos, "naunahan na ako." Kumamot siya sa ulo niya.

"Alam mo Shielyn balita ko ay masipag ang anak ni mareng Jin Han at matalino. Meron din siyang pinapatakbong kumpanya at isa pa siyang board of directors!" Pagmamalaki ni mama.

Bakit naman ang dami niyang alam sa lalaking ito?

"Tama iyon! Tulad nga ng kwento ko sa'yo mare, si Quintos na ang bumubuhay sa amin! Kahit na gusto kong mag trabaho at kami ni Lu Han ay ayaw niya. Masipag iyang anak ko, tapat, maalaga, mapagmahal at maintindihin!" Panggatong nitong ina ni Quintos. Malamang pupurihin siya ng maganda ng kanyang ina.

"How about lumabas muna kaya kayo anak? Igala mo si Quintos sa syudad natin."

Nabigla ako sa sinabi ni mama.

"Parang gusto ko iyan. Minsan lang ako dumalaw at pumunta sa lugar na ito. Actually naligaw pa nga ako papunta dito at ang ganda ng mga nadadaanan ko, mukhang maganda itong lugar niyo tita!"

Paano ko siya igagala, eh wala akong alam sa lugar nila. Hindi ko din alam kung saan matatagpuan ang mga pasyalan sa mga lugar na ito. Mabuti pa si Ken madaming alam iyon at hindi pa ako naigagala ni Ken sa lugar na ito.

"Dali na! Para naman mas makilala niyo ang isa't isa!" Excited kaming itinulak ni mama palabas ng bahay.

Nasa labas na kami ng pinto at hindi pa rin ako gumagalaw. Ayaw kong lumabas, gusto ko nasa bahay lang ako.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now