Chapter 74 Agreement

62 0 0
                                    




<Shielyn>

Sa isang iglap ay nawala ang anak ko.

Sa isang iglap, para akong nawalan ng buhay.

Ang sakit ng nangyari sa akin.

Pinatay niya ang anak ko. Bakit, ako ang kailangan magbayad sa kasalanan na hindi ko naman ginawa?

Nakauwi na ako sa bahay. Isang linggo na ang nakaraan simula nang magising ako sa hospital, at malaman na wala na ang anak ko.

Nakahawak ako sa damit na binili namin noong nakaraang linggo. Handa na ang lahat para sa baby.

si Kier ang lahat ng pumili ng gamit ng baby namin.

"Wife," malungkot na tawag ni Kier, at lumapit sa akin.

Maluha-luha akong napatingin sa kanya.

"Ayaw ko na mabuhay," sabi ko sa kanya.

Tumabi siya sa akin at pinunasan ang pisngi ko.

"Bakit kailangan siyang kunin? Wala naman akong naging kasalanan. Naging mabuting tao naman ako, bakit kailangan ko magbayad sa kasalanan na hindi ko naman ginawa?"

Pinipigilan ko na umiyak ulit. Pagod na ako umiyak. Ayaw ko na. Masakit na ang mga mata ko sa kakaiyak.

Naiiyak din si Ken, at alam ko na pinipigilan lang niya na umiyak sa harapan ko.

"Tanggap ko na wala na siya. Pero bakit? Masakit pa rin sa akin?" Naiiyak na tanong ko sa kanya.

"I'm sorry. I'm sorry I wasn't there when it happen," puno ng pagsisisi na sabi niya.

Nasa hacienda siya noon, at iniwan ako sa mansion para may magbantay sa akin.

"If I brought you with me ay hindi mangyayari ang bagay na ito," paninisi niya sa sarili niya.

Sarili niya ang kanyang sinisisi.

"It's my fault. I didn't protect our child."

"Shh. It's not your fault, okay?"

Hinalikan niya ako sa ulo ko, at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Let's move on from what happened. It only hurts us. Let's start a new one and forget the past. What do you think?"

Napatingin ako sa kanya, at sumandal ulit sa balikat niya.

Tumango lang ako.

"Let's lock this room, and we won't open it until we didn't fully heal from what happened. Let's open it together," suhesyon niya.

Nag agree ako sa sinabi niya.

Naka ready na kasi ang lahat para sa anak namin. Nalaman pa lang namin ang gender last month. Babae ang magiging anak namin, pero hindi man lang namin nasilayan.

Katulad ng napag-usapan namin ni Kier ay hindi ako pumupunta sa kwarto ng anak namin, at naka lock na iyon.

Hindi ko na din namalayan na lumipas na ang isang buwan.

"Gusto kong ipakulong ang nanay mo," straightforward na sabi ko sa kanya.

Napatigil siya sa pagsuot niya ng coat.

Galit ako sa nanay niya.

"Wife, we already talk about this, right?" Malumanay na sabi niya sa akin.

Ilang beses na namin napag-awayan ang bagay na ito. Isang buwan na namin pinag-aawayan.

"Hindi mo man lang bibigyan ng justice ang anak natin?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Pinatay siya ng nanay mo! Dinamay niya ako sa galit niya! Kung hindi niya ako tinulak ay hindi mawawala ang anak natin! Tapos tumawa pa siya noong dinugo ako! Hindi man lang niya ako tinulungan! Siya ang nagpapadala ng mga creepy na packages sa bahay, pero wala ka man lang naging reaction!" Asik ko sa kanya.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now