Chapter 6 Cachectic

5.8K 103 1
                                    

<Shielyn>

Alam ko naman na takot sila kay Ken. Ako din, natatakot din ako sa lalaking iyon kahit hindi pa niya ako pinagbuntungan ng galit niya. Pinaglihi si Ken sa galit.

"Nag away ba kayo?" Seryosong tanong ni Layla sa akin, "kasi sa'min niya binuhos ang init ng ulo niya. Normal na binibiro namin siya mag pi-pinsan pero nagalit siya kaagad."

"Baka you offend him?" I asked.

"Damn, Shielyn, can you please tell to your asshole husband to unlock this shit?!" Pakiusap sa akin ni Bry, habang sinusbukan pa rin makawala sa pagkakaposas niya.

Naaawa ako sa mga bata, pinagpapawisan na sila.

"Offend? Alam niya naman na Kierra dapat ang pangalan niya." Himutok ni Layla.

"Huh?"

"We're calling him Kuya Kierra kasi kwento sa'ken ni Mommy, his parents expecting him to be a girl, binilhan na siya ng mga damit na pambabae at pati pangalan pambabae, okay na settle na tapos 'yun pala lalaki siya, kaya 'yung Kierra naging Kier na lang. Tinutukso namin siyang ganu'n at sila," turo niya sa mga pinsan niya, "tinawag siyang bakla tapos ayun napikon pinosas niya sila, hindi naman niya gagawin 'yon unless mainit ang ulo niya." Mahabang paliwanag nito sa akin. "So I concluded na nag-away kayo, kasi kaninang pagkalapit niya sa'min ni Kuya Bry, mainit na ulo niya at naghanap ng alak." Naiiyak na sabi ni Layla.

Totoo ang sinabi kanina ni tita na hindi mo siya makakausap kapag mainit ang ulo niya.

"Sinubukan ko ng tanggalin 'yang posas na 'yan pero maligno yata ang gumawa diyan!" Asar na sabi ni Layla at kita ang inis sa kanyang mukha.

"Sissyly, please tell kuya Kier, to free them." Pakiusap niya sa akin at hinawakan ako sa kamay.

Takot talaga sila kay Kier mula noon hanggang ngayon. Sino ba naman ang hindi matatakot sa lalaking iyon, palaging mainit ang ulo at palaging galit, hindi rin marunong ngumiti.

Tumango ako kay Layla bilang sagot. Susubukan ko na i-convince ang lalaking iyon.

"Wait lang, babalik kami." Sigaw ni Layla sa mga pinsan niya.

Patakbo kaming bumalik sa kwarto at pinipigilan ko ang inis ko.

Marahas kong binuksan ang pinto at nakita ko siya na nakadapa sa gitna ng kama.

"Kier Fiero!" Nagtitimping tawag ko sa buong pangalan niya.

He open his eyes. "Yes, wife?" Inosenteng tanong niya.

"Alam ko nagpapanggap ka lang na lasing. Tumayo ka diyan!" Ma-awtoridad na utos ko sa kanya.

"Damn! Akala ko ba tapos ka na mag mens?!" Reklamo niya pero tumayo din naman.

Nagtitimpi na ako.

"Saan mo nilagay ang susi?" Derestsong tanong ko sa kanya.

"What?" Inosenteng tanong niya.

"Alam ko kung anong ginawa mo." May diin sa bawat salitang binibigkas ko.

He opened his eyes widely.

"Kier Fiero hindi ka na nakakatuwa nakakainis ka na, huh!" Inis na sigaw ko. Naiinis ako sa kanya kasi palagi na lang mainit ang ulo niya. Dati natatakot ako sa kanya, ngayon naiinis na ako.

"Damn! What!?" He grumbled his hair "What did I do this time?!" Kitams? Ang bilis niyang mainis.

"Nasaan nga 'yung susi?! Akala mo ba hindi ko alam ba pinosas mo ang mga pinsan mo sa storage room?!"

Muli siyang humiga at parang walang pakialam. "Yeah, they deserve it." Sabi niya at hindi ako makapaniwala sa sagot niya. He doesn't care.

"Pakawalan mo sila." Utos ko sa kanya.

Billionaire's Hardheaded Wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن