Chapter 40

69 0 0
                                    

<Shielyn>

"Sinungaling ka kasi!" Inis na akusa ko sa kanya.

"When did I lied to you?" Umiigting na panga na tanong niya sa akin.

Hala, hindi niya yata nagustuhan ang sinabi ko. Nagbibiro lang naman ako.

Nakalimutan ko na huwag makipag joke sa kanya.

Wala akong maalala na nagsinungaling siya sa akin, pero alam ko nagsinungaling na siya.

"Hindi ko na maalala." Dahilan ko.

Tumunog ang intercom niya.

"Sir, nandito po 'yung mga friends mo." Dinig ko na sabi nang secretary niya sa kabilang linya.

"Let them come in." Baritonong utos ni Ken.

"Sir, ca-cancel ko po ba 'yung meeting mo sa kabilang company?" Hindi na naituloy ni Heidi ang sasabihin nang patayin ni Ken ang tawag. Ang bastos kausap ng lalaking ito. Pero hindi naman siya ganyan sa akin. Mabait siya sa akin. Actually nagbago na siya.

"We need to talk. This is important." Bungad ni Jase. Tumingin siya sa akin. Bakit ganyan makatingin sa akin si Jase?

"Just the two of us." Sabi ni Jase habang nasa akin pa rin ang tingin niya. Ang weird talaga ng lalaking ito.

"Wife, do you want a tour in the company? I'll ask Heidi to accompany you."

Nakuha ko na ang tanong ni Kier. Mukhang may pag-uusapan sila na importante at crucial na hindi ko na dapat malaman.

Tumango na lang ako sa kanya.

Sinundo ako ng secretary niya sa loob ng office niya.

"Take care, okay?" Hinalikan niya muna ako sa noo bago niya ako ibigay sa maingay niyang secretary.

"Sir, baka gusto mong bigyan ng pera si Ma'am? Baka kasi gutumin kami sa pag gala at baka matagalan kayo sa pag-uusap ni sir." Sabi ni Heidi kay Ken.

"Call me if you feel hungry." Sabi sa akin ni Ken. Nasa akin lang ang atensyon niya at tingin.

"Sir, paano po ako? Magugutom po ako kakasalita at ang laki po kaya ng company. Kawawa naman po ako kung hindi ako papakainin." Paawang sabi ni Heidi.

Siya na ang pinaka makapal na secretary na nakilala ko.

"You can ask Heidi if you want anything." Habilin sa akin ni Ken. Hindi niya ulit pinansin ang secretary niyang demanding.

"Fiero, maglilibot lang asawa mo, hindi pupunta ng ibang bansa." Singit ni Jase sa usapan namin. Ang bitter naman niya.

Niyakap niya ulit ako bago pakawalan.

"Ma'am saan mo po gustong mauna?" Tanong sa akin ni Heidi pagkalabas namin ng office.

"Ikaw bahala." Maikling sagot ko sa kanya.

"Ang tipid mo din pala sumagot noh, Ma'am. Paano po kayo nag-uusap ni sir? Parehas po kayong tahimik, eh. Sino po ang mas madaldal sa inyong dalawa?"

Ang dami na niyang tinanong sa akin. Nakasunod lang ako sa kanya.

"Sa entrance na lang po tayo mauna Madame."

"Madam, ito po ang entrance sa company, ah. Per duty po ang mga guards diyan kaya kung mapapansin mo iba-iba ang makikita mo na guards na naka duty diyan." Explain niya sa akin.

"At saka, dapat madam number one na huwag mong kalimutan ay ang iyong ID dahil hindi ka makakapasok. Kapag nakalimutan mo wala kang magagawa kundi umuwi ng bahay. Epal po kasi itong mga swipe ng ID, maganda lang tignan pero hindi nakakatuwa." Mahabang litanya niya habang nag sa-swipe kami ng ID namin.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now