Chapter 16 Redundant

4.4K 62 5
                                    

"Saan tayo pupunta?" Mahinang tanong ko.

"Pupuntahan natin asawa mong kumag at paki sabi niya sa kanya pirmahan na niya iyong proposal ko!" Pina-andar na nito ang kotse niya.

"Ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganyan dahil sa babae. He became calm, which is good." Sabi nito. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya, "ano ba ang pinag awayan niyo?"

Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa daan.

"I saw him with another woman. Papasok sila sa hotel." Sabi ko sa kanya.

Bahagya siyang natawa, "alam mo kahit sinong babaeng iharap mo du'n hindi niya magugustuhan. You are lucky because he chose and marry you. Maraming nagkakagusto sa kanya at naghahabol, especially sa company. One of his partners in business likes him so much, pero hindi niya pinapansin. Hindi mo lang ramdam pero marami kang kaagaw." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sinabi niya.

"Baka bakla siya." Napatakip ako sa bibig ko nang mabigkas ko iyon.

Tumawa siya dahil sa sinabi ko. "Pero huwag kang mag-alala. Ikaw lang love nu'n." He tease me at tumawa muling tumawa, "hindi bakla iyon, kung alam mo lang ginagawa niya noong kabataan niya hindi mo kakayanin. Mabuti nga walang nabuntis iyong gagong iyon."

Nagpintig ang tenga ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" Gusto ko malinawan.

"He was asshole and jerk that time pero nagbago lang noong nag mature na siya. Marami siyang nakakama noon dahil nga gwapo siya at lapitin siya ng mga babae, pero hindi siya nakikipag girlfriend because he date to marry pero bumibigay sa mga babaeng lumalandi sa kanya. Ang gago diba?"

Tama ako sa nakita ko. May nangyari sa kanila noong babaeng iyon. Napayukom ako ng kamao.

"Hoy, relax lang!" Natatawang sabi niya, "pero seryoso iyon. Hindi naman niya iyon magagawa sa'yo."

"He told me na pure business ang ipinunta nila doon! But I am not believing him, walang business sa hotel dipende na lang kung nagkainan sila." Walang kagatol-gatol na sabi ko.

Humalakhak siya sa tawa dahil sa sinabi ko.'

"Hindi rin ako naniniwala na pure business lang pero hindi niya talaga magagawang mag cheat." Pagtatanggol niya sa kanyang kaibigan.

Marami pa kaming napag-usapan at ang layo ng binyahe namin, naabutan pa kami ng traffic. Akala ko hindi na kami makakadating sa pupuntahan namin.

"Bahay ito ni Nate." Sabi sa akin ni Jase habang papasok kami sa loob.

Ang dami niyang bahay?

Pagpasok namin sa loob napatakip ako sa ilong nang maamoy ang sigarilyo sa buong paligid. Hindi ako nakakahinga.

Napatigil kaming dalawa nang may lumabas sa kwarto na dalawang taong naghahalikan. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Fuck!" Malutong na mura ni Kier at ang babae ay lumingkis kay Kier at pilit na hinihila ang asawa ko.

"Shit!" Malutong na mura nito Jase.

Nanlalabo ang paningin ko.

Kaya niya ba ako dinala dito para ipakita sa akin ito?

Napatulala ako sa kanilang dalawa at hindi makagalaw at nahihirapan na huminga.

"What the hell?!" Isang malakas na boses ang dumagundong sa buong paligid, hindi ko alam kung sino iyon. Malabo na ang paningin ko dahil sa nangingilid na luha.

"Shielyn?" Iyong boses na iyon napaka familiar.

Parang mawawalan ako ng balanse.

Naamoy ko ang pabango niya na malapit sa akin at ang sunod na naramdaman ko ay hinawakan niya ako sa kamay.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now