Chapter 29 Sean

4K 57 0
                                    

<Shielyn>

"Sean," Malungkot na tawag ko sa pangalan ng aking kaibigan.

Ngumiti siya sa akin ng malapad. Mabuti pa siya palaging masaya.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya habang malawak pa rin ang ngiti niya sa akin.

Bakit hindi ko kaya maging masaya ng ganu'n?

"Pumunta ako sa kumpanya kanina at narinig ko pinag-uusapan ng mga empleyado ni Kier na in relationship daw silang dalawa nu'ng business partner niya." Malungkot na kwento ko kay Sean.

"O, tapos? Edi mag in relationship din tayo!" Bulalas ni Sean na parang natuwa pa sa naisip na idea.

"Totoo yata ang sinabi sa akin ng mga kaibigan ni Kier, na dapat magpapakasal na silang dalawa. Alam mo ang ganda niya at mukhang mas may dating pa kesa sa akin." Down na kwento ko kay Sean.

Para akong nanliit sa sarili ko.

Bakit hindi ako ganu'n kaganda?

Bakit hindi matangos ang ilong natin?

Mukhang limang beses naliligo sa isang araw ang babaeng iyon. Samantalang ako, dalawang beses lang sa isang linggo naliligo.

Nandito kami sa labas. I texted him na makipagkita sa kanya at mabuti na lang ay wala siyang trabaho.

"O, tapos? Akala ko ba mas gusto mo na ganyan ka na lang at kumportable ka? Alam mo kung mahal ka ni Kier hindi ka ipagpapalit nu'n." Seryosong sabi sa akin ni Sean at uminom sa kanyang kape. Nilibri niya ako ng kape.

Mahal ba ako ni Kier?

"Kapag hiniwalayan ka niya, edi magpakasal na lang tayong dalawa." Tawa ni Sean. Hindi ko alam kung seryoso ba siya or pinagtatawanan niya ako.

"Hindi naman namin mahal ang isa't isa. We're product of an arranged marriage. Nasa thirty na si Kier at nasa twenties pa lang ako." Nalulungkot na sabi ko.

"Tapos ayaw niya din magka-anak." I added as I look at my coffee.

Naibuga ni Sean ang kape na nasa bibig niya at tumama iyon sa mukha ko.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Sean habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang tissue.

"Sean, ang dugyot mo talaga. Mas malinis pa si Kier sa'yo!" Inis na sermon ko sa kanya.

Minsan hindi na siya nakakatuwa.

"Ay sorry naman madame." Paumanhin niya habang patuloy na pinupunasan ang aking mukha. "At saka, si Kier iyon hindi naman ako, noh. Ganito ako ano ba ang magagawa mo?" Pagsusungit sa akin ni Sean, at inirapan ako.

"Na-split ko lang sa'yo ang kape ang dugyot ko na." Nagtatampong sabi niya sa akin. Pati damit ko ay nalagyan ng mantsa ng kape.

"Ang arte. Ganda ka?" Bulong niya pero dinig na dinig ko naman.

"Gusto mo na magka-anak? Huwag muna!" Bulalas ni Sean, pagkatapos niyang lukutin ang mukha ko sa tissue.

"Huwag ka muna magpapabuntis girl! Mahal ang gatas." Sabi niya na parang bakla.

"Sabagay mayaman naman si Mr. Saltzman." Bahagya siyang ngumuso.

"Ayaw ko muna magkaroon ng anak." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Eh, anong kinakalungkot mo diyan? Parehas naman pala na ayaw niyo." Muling uminom ng kape si Sean pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon.

"Ayaw niya magkaroon ng anak. Ako, ayaw ko muna dahil hindi pa ako ready." Malungkot na sabi ko sa kanya.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon