Chapter 71 Cloud top Bar

47 0 0
                                    




<Nate>

"What are your plans? You know that your sibling is alive," tanong ko kay Kier.

"I'll let the destiny to cross our path," sabi niya at uminom ng tubig.

Simula ikinasal siya ay hindi na siya masyadong umiinom. Simula nang malaman na buntis ang asawa niya ay tubig na lang ang iniinom niya kapag nag-iinuman kami. Ayaw daw niyang maamoy siya ng asawa niya.

"Hindi mo na siya hahanapin?" Usisa ko sa kanya at tumingin sa baso na hawak niya.

Tinotoo niya talaga na hindi na siya iinom. Ang sarap kaya ng alak, kasing pait ng buhay.

Kaya ako umiinom ng alak para maging immune na ako sa buhay. Life is not yet done to give me shits.

"Ma'am! Teka lang po bawal pumasok!"

Sabay kami ni Kier na napatingin sa pinto ng biglang bumukas iyon.

Iniluwa ng pinto si Heidi at ang babaeng may buhat na batang lalaki.

"I finally found you," ngisi ng babae kay Kier.

Binitawan niya ang bata na hawak niya.

"Sir, pasensya na po. Ayaw po magpa-awat," paumanhin ni Heidi sa boss niya, alam niya kasi na mapapahiya na naman siya mamaya.

"You can leave us," malamig na utos ni Kier sa kanyang secretary.

I wink at her when Heidi looks in my direction.

Tumawa lang ako ng irapan niya at tumalikod na siya.

"Who are you," tanong ni Kier sa babae.

"Huh? Alam ko na mayaman ka pero mag tagalog ka," pag su-suplada ng babae sa kanya.

Muntik na ako matawa.

Napatingin ako sa batang dala niya. Dinala pa talaga niya ang anak niya dito. Child friendly naman kasi ang kumpanya ni Kier, kahit mukhang mabagsik siya sa mga employees niya, deep inside he cares for his employees, especially iyung mga may pamilya. Nasa policy ng kumpanya na pwedeng dalhin ang anak kung walang mag-aalaga dito.

Sa katunayan merong playground sa loob ng company.

Napatingin ako sa babae na labas ang kaluluwa. Ang dami niya din earings at mga tattoo sa katawan.

This woman in front of us is a prostitute.

"Alam ko na hindi mo ako maalala. Magpapakilala pa rin ako, ako si Jiselle at nag ta-trabaho ako sa cloud top bar. Isa akong prostitute doon. Isa ako sa mga babaeng naikama mo at binuntis mo," she revelead.

"Iyang batang iyan ang ang anak mo."

Napatingin ako sa bata at inaksamina ko siya.

Isang taon na siguro ang batang ito. Payat ang bata, mukhang malnuoris.

"What?! Woman, I can sue you for defamation," banta ni Kier sa kanya at sinamaan niya ito ng tingin.

"Nagsasabi ako ng totoo. Ang tagal kitang hinahanap dahil hindi  ko kayang palakihin ang batang iyan. Marami na akong anak sa iba't ibang lalaki. Nandito ako para ibenta sa'yo ang bata."

Napaka striaght forward naman ng babaeng ito.

Infairness alam niya sa sarili niya ang pagkatao niya at inaamin niya.

"What?! Are you insane?! How can you prove that you're telling the truth?! I never bed any women! And I'm fucking married!" Kier hiss.

Galit na siya.

"Eh, kupal ka pala! Nambubuntis ka pero hindi mo kayang panindigan. Kung gusto mo ay ipa-DNA mo ang bata! Wala kong pera sa ganoong bagay, kaya ikaw na lang ang gumawa!" asik din ng babae sa kanya.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now