Chapter 81 Huling Away

82 0 3
                                    




Gusto kong magwala.

"Kier! Kier!" Galit na sigaw ko sa pangalan niya.

"Wife, I'm here," dinig ko na sagot niya sa malalim na boses.

Sinalubong ko siya ng sampal. Nabigla siya sa pagsampal ko sa kanya.

"Sinungaling ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Kailan mo pa ako nililoloko, ah?! Hanggang kailan mo balak itago sa akin ang lahat?!"

Nagwawala na ako dito.

"What do you mean?" Naguguluhan na tanong niya sa akin.

Muli ko siyang sinampal dahil sa galit ko.

Bumalik ako sa coffee shop kanina at nagpasalamat ako na nandoon pa iyung priest na nagkasal sa amin. At mabuti na lang nakahanap ako ng picture na kasama siya noong wedding namin ni Kier.

Inamin sa akin nu'ng priest na iyon, na hindi naman talaga siya priest at may nag hire sa kanya. Ang trabaho niya ay isang host sa mga wedding.

Napakalaking kasinungaling ang sinampal sa akin.

Nandilim ang paningin ko ng makita ang malaking wedding picture frame namin na nasa sala.

Inabot ko iyon at malakas na tinapon sa tiles.

Babasagin ko ang wedding frame na ito.

"Wife! What the fuck?! Calm down!" Sigaw ni Kier nang makita niya ang ginawa ko sa wedding frame naming dalawa.

"Walanghiya ka! Isa kang malaking sinungaling sa buhay ko!"  Galit na sabi ko sa kanya.

"What, I lied to? What did I do? can you fucking tell me straight to the point? I don't understand what you want to say! And please calm down!"

"Bakit mo ako sinasaktan, huh?! Bakit ginagawa mo sa akin ang lahat ng ito?! Walanghiya ka! Kaya pala ayaw mo ipakulong ang nanay mo dahil alam niya na hindi naman tayong totoong kasal! Alam ko na ang lahat! Alam ko na peke ang kasal nating dalawa!" Sigaw ko.

Nabigla siya sa sinabi ko.

"Who told you about it?" Nanghihinang tanong niya sa akin, "wife, I can explain."

Sinubukan niya akong hawakan pero muli ko siyang sinampal.

"Walanghiya ka! Pinaniwala ako na kasal tayo for fucking five years!"

Galit na Galit ako.

"At kasabwat mo pa talaga ang nanay mo! No wonder, kaya kung sino-sino na lang gusto niyang babaeng para sa'yo!"

Kaya pala mukha siyang hindi mapakali ng nakausap ko ang nanay niya kaninang umaga.

"Wife, please. Calm down; let's talk about it! I will explain, please," pagmamakaawa niya.

"I didn't mean to. I was blind by my greedy back then! And I didn't tell you about it kasi alam ko na magagalit ka. And tinatama ko na ang mali ko. Kaya kita papakasalan ulit kasi mahal kita at gusto kong itama ang lahat."

"Sinungaling ka!" Malakas na sigaw ko sa kanya.

"Bakit mo ginawa sa akin ang bagay na iyon, huh?! Bakit palagi mo na lang akong sinasaktan?! Iyung anak mo sa labas ay tinggap ko! Pero heto?! Hindi ko na matatanggap ang bagay na ito!"

Maririnig na kami sa labas dahil sa pagsigaw ko.

"I'm sorry," tanging nasabi niya.

"Ano pa ba ang tinatago mo, huh?! Ano pa ba ang tinatago mo bukod sa hindi tayo totoong kasal, at may anak ka sa ibang babae! Ano pa, huh?!"

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon