Chapter 41 Quintos

99 2 0
                                    


<Shielyn>

Papunta na kami sa rooftop nang may makasalubong kami na tao.

Ang babae na ayaw ko makita kahit kailan.

"Hello, Madam ganda." Bati ni Heidi sa kanya.

Ngayon ko lang napagtanto na may lahing sipsip din pala ang secretary ni Kier. kanina lang ay nilalait niya, ngayon naman ay pinupuri niya.

"Oh, Hi." Bati niya kay Heidi na may kasamang ngiti.

Hindi naman siya maganda sa personal. Nababalutan lang ng make up ang mukha niya.

"Teka, you look familiar." Baling niya sa akin nang mapansin niya ako. Tinuro pa niya ako habang nag-iisip kung saan niya ako nakita.

"Asawa po siya ni sir!" Si Heidi na ang sumagot.

Hindi naman siya madaldal.

"Right!" React niya parang naalala na niya kung saan niya ako nakita, "I saw a picture of you in his wallet and I accidentally saw din sa phone niya 'yung pictures mo." Tumatango na sabi niya.

Medyo nabigla ako sa binaggit niya.

May picture ako ni Ken sa cellphone niya? Ano naman ang ginagawa ng pagmumukha sa cellphone niyang hindi naman niya ginagamit?

"Ayyiieh! Ang sweet naman ni Sir! Kahit palaging beast mood at malamig may tinatago din pa lang ka-sweetan!" Kinikilig na komento ni Heidi habang tinutusok ang tagiliran ko.

"Are you his sister?"

Huminto ang mundo ko sa tanong ni Shane.

"He's always talking about you. Nice to meet you, my sister-in-law." Shane happily kissed my right cheek.

Ang malapad na ngiti ni Heidi ay napalitan ng pagkatulala.

I am not his sibling.

"I'm happy that I finally meet you." Masaya niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.

Parang may tumarak sa puso ko sa sinabi niya, pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko. Pinakilala ako ni Ken bilang kapatid niya.

"Eh, madam-" hindi na naituloy ni Heidi ang sasbaihin niya nang putulin iyon ni Shane.

Mukha siyang friendly at madaldal.

"Gagawin kitang bridesmaid sa kasal." Sabi niya sa akin habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Magpapakasal ni Ken?

Sinungaling siya! Sabi niya sa akin wala silang relasyon na dalawa.

"Malapit na akong ikasal." Masayang sabi niya sa akin habang nakangiti ng malapad.

Hindi ako masaya.

"Look at my ring." Pinakita niya ang ring niya na may malaking ginto.

"Why you're not happy? Hindi ka ba masaya pa sa akin?"

"Uhh, ahhh. Masaya." Napipilitan na sagot ko sa kanya.

"Madam Shane, teka lang! Diba po nasa business trip ka?" Sali ni Heidi sa usapan.

"I'm back! Ayaw ko kasing malayo kay Kier dahil namimiss ko siya. I back for him." Malapad pa rin ang ngiti niya.

Hindi na ako magtataka kung magugustuhan siya ni Ken. sobrang malayo ang mga ugali namin sa isa't isa. Mukha siyang jolly at maagan kasama, mukhang mag c-click silang dalawa ni Ken.

Isang madaldal at isang tahimik na lalaki. Bagay silang dalawa.

"Gusto mo ba sumama na mamili ng wedding gown ko?" Imbita niya sa akin.

Billionaire's Hardheaded WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon