Chapter 76 Kladen

66 0 0
                                    




<Shielyn>

"Siguro may babae ka kaya late ka na umuuwi, at palagi kang wala sa bahay," akusa ko kay Kier.

Nangunot ang noo niya.

Ngumisi ako sa isipan ko.

Binigay niya sa akin ang isang bowl na may naglalaman na grapes. Kinuha ko sa kanya iyon.

Binigay niya din sa akin ang isang rapsberry wine.

"Ayaw mo na sa akin kasi wala tayong anak," pag da-drama ko.

Nag da-drama na naman ako sa kanya kasi bored ako.

Paalis na siya at may pupuntahan na naman siya.

Napapansin ko na palagi siyang wala sa bahay, at palagi siyang may pinupuntahan. Kapag weekend ay aalis siya ng maaga sa bahay, pero babalik din naman kaagad siya.

Palagi niyang dahilan sa akin na galing siya sa bahay ni Nathan.

Baka kabit niya si Nathan?

"Stop playing games with me," seryosong sabi niya.

Tumawa lang ako.

**

<Nate>

"Tangina naman! Jase,sabi ko bantayan mo iyan!" Stress na singhal ko kay Jase.

Nakaupo lang siya sa sofa at nanonood. Hinabilin ko sa kanya na bantayan ang bata, pero ang ginawa ay nanonood habang ang bata ay hinayaan na maglaro.

Nilapitan ko ang bata at pinatahan sa pag iyak.

"Huwag ka ng umiyak," pagpapatahan ko sa bata at binuhat.

Hindi ko alam kung anong nangyari dito. Nasa kusina ako at may kausap. Bigla ko na lang narinig na may malakas na tunog, at sunod na naramadaman ay ang iyak ng batang ito.

"Klyd, tahan na. Papunta na si dada mo," sabi ko sa kanya.

Si Jase ay nakatingin lang sa aming dalawa.

"It suits you being a father," seryosong komento ni Jase, at hindi inaalis ang tingin sa aming dalawa ni Klyd.

"Huwag mo akong masyadong titigan dahil kinikilabutan ako," sabi ko at umupo sa tabi niya habang buhat ang bata.

Binigyan ko ng pagkain si Kyld at tumahan naman siya.

Isang buwan ng nasa poder ko ang batang ito, at napapamahal na ako sa kanya. Mabilis makaintindi ang batang ito, at mukhang matalino. Araw-araw din siyang dinadalaw ni Kier, at malaki ang binibigay niya na allowance sa bata. Iyung sobra ay kinukupit ko.

Ako din ang kumakain sa ibang pagkain ni Kyld na binibigay ng ama niya.

Mabuti pa itong batang ito ay madaming pera. Baby pa lang siya ay meron na siyang savings account. Dinaig pa niya ako, noong ganitong ka-edad niya ay tinuturan na kami magbigkas ng mga panglan, kahit hindi namin alam bigkasin ni Ethan, ay pinipilit nila kami magsalita ng straight.

"If I just know that you can take care of the kids ay ikaw na lang ang kinuha kong nanny sa isang anak ko," umiiling na sabi ni Jase at ibinalik na ang tingin sa TV.

Sabi ko sa inyo, may dalawang panganay si Jase sa dalawang babae.

"Ulul mo! Kailan mo ba dadalhin dito ang mga anak mo? Hindi ko pa nakita sa personal ang isang panganay mo."

"Nah."

Wala siyang balak ipakita sa amin ang mga anak niya. Sa picture ko pa lang nakikita ang mga anak niya.

Tumahan na sa pag-iyak si Klyd at hinayaan ko siya maglakad sa buong sala.

Sabi sa akin ni Fiero ay kukunin na niya sa akin ang anak niya, at ipapakilala sa asawa niya. Hindi pa niya kinukuha sa akin ay nalulungkot na din ako.

Billionaire's Hardheaded WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora