Chapter 23 Brr

3.7K 54 12
                                    

<Shielyn>

"Shielyn," matigas at seryosong banggit ni Ken sa pangalan. Nakatingin lang ako sa kanya.

Ang seryoso niyang nakatingin sa akin. Hindi siya kumukurap at ngumingiti.

Kinakabahan ako sa kanya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, Shielyn." Problemadong sabi niya at bumuntong hininga.

"I told you, I'll just rest at mag-uusap tayo." Napipikon na sabi niya.

Tumingin ako sa mga daliri ko at pinaglaruan ang mga iyon. Madiin kong kinagat ang labi ko.

Madiin niyang ipinikit ang mga mata niya at kaagad din na binuksan.

"What are you doing to Nathan house?" Umigting ang panga niya nang itanong sa akin ang mga iyon, at hindi nakatakas sa paningin ko ang mahigpit niyang nakayukom na kamao.

Sinundo niya ako sa bahay ni Nathan at galit na naman siya.

Kapag galit ako, galit din siya.

"What's your problem, Shielyn?" Kumunot ang noo niya.

I remained silent.

"Shielyn, I'm talking to you!" Napapitlag ako nang tumaas na ang boses niya.

"Bakit ba palagi ka na lang naninigaw." Naiiyak at mahinang sabi ko sa kanya.

"What do you want to react, huh?!" Sigaw niya. Galit na naman siya.

Matalino nga siya meron naman siyang attitude problem.

"Ikaw kasi, napaka sinungaling mo." Umpisa ko.

"I told you, it was a problem in the company. They need me there." Stress na sabi niya at sinabunutan ang sariling buhok.

"Hindi ka man lang marunong mag text. Wala man lang chat o kahit na ano." Masama na loob na sabi ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya na sobrang lalim, "Shielyn, that's my work, binibilisan ko na 'yung trabaho ko para makauwi ako kaagad."

"Hindi mo sinagot ang sinabi ko. May babae ka ba doon?" Matapang at taas noong tanong ko sa kanya.

"Wala akong babae." Asar na paliwanag niya sa akin.

"I'm not chatting and texting you kasi gusto ko makauwi ng maaga. I need to focus sa work. If we talk I might stop working and I'll just talk to you the whole day."

"Pero may babae ka." Pilit ko.

Lalo siyang naasar sa binintang ko sa kanya.

"Ask Jase kung may babae ako, or if you want, ask the board of directors and investors kung may kasama akong babae." Seryosong sabi niya sa akin.

Hindi ako nakapag salita sa sinabi niya, ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo. Wala sa mukha niya na mambabae siya.

Kung magtatanong ako kay Jase alam ko naman na pagtatakpan niya lang si Ken.

"Do you want me to call the Chief of finance? Ikaw ang kumausap para mapanatag ang loob mo. Para maniwala ka na trabaho ang inasikaso ko doon."

Kinuha niya ang cellphone niya sa pocket nang pantalon niya and he's about to call someone nang pigilan ko siya.

"So-sorry... naniniwala na ako." Sabi ko sa kanya.

Ayaw ko ng humaba pa ang usapan.

"Pero 'yung tawag ng tawag sa'yo..." alanganin na sabi ko sa kanya. That woman bothers me.

"Okay sige, ibo-block ko na ang number niya." Sabi niya at pinakita niya sa akin na binlock na niya ang babaeng iyon. "There I blocked Chezka's number." Walang kagatol-gatol na sabi niya.

Billionaire's Hardheaded WifeWhere stories live. Discover now